AlMie AU: "Wallpaper"

622 31 1
                                    

☞Alistair X Jamie
✎Genre: Fluff, Out of character
✎Taglish || 1900+ words
✎Normal High School Theme
Nevaeh’s Note: Idea based on a tiktok real story from @/Patricia

゚。・*.゚☆゚.*・。゚

Jamie

Lunchtime sabay kaming lumabas ni Millie para pumunta sa cafeteria, habang naglalakad ay nagku-kuwentuhan kami about sa darating na SH ball. Namomroblema siya na baka wala siyang maging partner dahil wala pang nag-aaya sa kaniya samantalang ako ay namomroblema kung sinong pipiliin ko dahil sa dami ng nag-aaya sa akin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero dahil maganda ako at part ako ng theater club ay maraming nakakakilala sa akin at mostly puro lalaki. But despite of the attention they're giving me, there's only one guy that I want to get the attention. And speaking of him, I saw him entering the cafeteria, bigla akong kinabahan although he doesn't know me, ewan ko nahihiya pa rin ako kapag malapit siya. At the same time napangiti ako dahil nakita ko na naman siya.

Mabilis kong hinila si Millie para makapasok agad sa Caf, nilibot ko agad ang paningin para hanapin kung saan nakaupo ang crush ko. Dahil sa dami ng mga estudyante ay nahirapan akong hagilapin siya.

"Jamie dito tayo umupo dali", hinila ako ni Millie paupo sa malapit na table.

"Hoy!"

"Jamie!" kunot-noo akong napalingon kay Millie, "Bakit ba?" medyo inis kong tanong, hinahanap ko pa nga kung nasaan si crush eh.

"Sino bang hinahanap mo? Para kang giraffe sa haba ng leeg mo" inirapan ko siya at tumuloy sa paghanap, "Hinahanap ko yung crush ko" sagot ko.

"Sinong crush?" tanong niya, tumingin ako sa kaniya saka siya tinaasan ng kilay, "Duh! Sino pa ba? Edi si HUMMS guy"

"Duh! Malay ko ba, ang dami mo kayang crush kung sino-sino ang kinikuwento mong lalaki kaya di ko agad malalaman kung sinong tinutukoy mo" panggagaya niya sa tono ko. Inirapan ko ulit siya, "Isa na lang kaya crush ko ngayon, loyal na ako 'no"

"Kung yung HUMMS guy lang ang hinahanap mo, iyan siya oh" ngumuso si Millie sa bandang gilid namin, napatingin ako sa tinitingnan niya at napaawang ang labi dahil one table apart lang pala ang layo namin sa table ni crush.

Pinanlakihan ko ng mata si Millie saka siya hinampas kaya napaaray siya, "Bakit hindi mo agad sinabi? Kanina pa ako hanap nang hanap" bulong ko sa kaniya.

"Malay ko bang siya ang hinahanap mo, hindi ka naman nagtatanong eh" sagot niya, hindi ko na lang siya pinansin at nangalumbaba na lang at tumitig kay crush.

May tatlo siyang kasama, sa harap niya nakaupo si Rosetta—kilala ko siya pero hindi kami gaano magka-close, nagkakilala kami dahil sa common friend namin—katabi niya ang babaeng may mahabang buhok at bangs, hindi ko siya kilala pero alam ko ay transferee lang din siya dito sa Clark High katulad ni Alistair—which is yung crush ko nga, see pangalan palang ang gwapo na—anyway iyon nga nasa kabilang upuan siya at katabi naman niya ang isang lalaki na medyo magulo ang buhok, na sa tingin ko ay Loki ang pangalan, medyo kilala siya dito dahil kapatid lang naman niya ang Vice President ng Student Council.

Sinanggi ni Millie ang braso ko kaya muntik nang masubsob ang mukha ko sa mesa, "Ano ba? Minsan ang epal mo" inis kong sabi sa kaniya, "Mamaya ka na sumilay diyan, um-order ka muna ng lunch natin, nagugutom na ako" taas-kilay niyang sabi. "Ako na ba mag-oorder? Parang ako na nag-order no'ng Friday ah" reklamo ko. Salitan kasi kami ng pag-oorder tuwing lunchtime.

"Hoy ang galing mo ah, ako kaya 'yon" kinuha niya ang cellphone niya saka nag-tap doon, after a seconds ay itinapat niya sa mukha ko ang screen. Tiningnan ko iyon, sa calendar ay may naka-mark na siya ang nag-order no'ng Friday. Umismid ako at padabog na tumayo, "Alam mo na sa 'kin ah hahaha" pahabol niya.

Project LOKI AUs (Compiled)Where stories live. Discover now