AlMie AU: "Home Lunch Date"

311 8 0
                                    

This AU was based on a tiktok video
✎Fluff, Adult, OOC
✎TagLish || 1400+ words

゚。・*.゚☆゚.*・。゚

Jamie

I was busy watching in tiktok when I received Al's messaged earlier. Palibhasa'y madami akong free time dahil may one month break ako mula sa Theater kaya pa-chill chill lang ang lola n'yo.

Agad kong niligpit ang mga kalat at basta na lang inilagay sa kwarto ko saka kumuha ng vacuum para linisin ang sala. Kumuha din ako ng air freshener para bumango ang unit ko.

Matapos iyon ay bumalik ako sa kwarto para magpalit ng damit at mag-ayos nang kaunti. I mean, I already took a bath earlier but it's embarrasing for me kapag nakita ako ni Al na naka-oversize shirt lang at maikling short. Pumili na lang ako ng usual off shoulder dress. Saka naglagay ng powder sa mukha at kaunting lip balm. I tied my hair in a messy bun, then stared at the mirror for the last time before going out of my room.

I immediately prepared some ingredients and things to use for cooking spaghetti. Inuna ko nang magpakulo ng tubig para sa pasta. Saka ako naghiwa ng sibuyas at hotdogs. Sanay na sanay na rin naman akong magluto ng recipe na ito dahil madalas akong magluto nito.

I was too focused on what I'm doing that I almost forgot that Al is coming. Naalala ko lang nang marinig ang doorbell. Agad akong naghugas ng kamay saka nagpunas gamit ang tissue bago mabilis na naglakad palapit sa pinto.

I opened the door, my lips formed a smile upon seeing my handsome boyfriend. Alistair also greeted me with a smile, "Hi babe" he spread his arms asking for a hug and I excitedly hug him.

After a second, I stepped back and pecked him on his cheek. "Pasok ka" I invited, pinauna ko na siyang pinapasok saka ako sumunod sa kaniya at sinara ang pinto.

"I'm sorry, it took me so long. Medyo traffic kasi. But here's what you asked me to buy." inabot niya sa akin ang plastic at kinuha ko naman iyon. "It's okay babe, hindi ko nga rin namalayan ang oras dahil busy ako sa kusina. And thank you for buying this." I smiled then walked straight to the kitchen, so I can continue what I'm doing.

"I also bought your favourite flavor of cake for our dessert and a box of your favourite buffalo wings" napansin kong pinatong niya ang ibang dalang pagkain sa counter table.

"Alam na alam mo talagang nasa break ako kaya puro paborito ko ang binili mo. Baka naman tumaba ako niyan." pagbibiro ko.

"Of course, I know it's hard for you to maintain your diet especially when you have a project but it's your break naman. It's not bad to have a cheating day." he grinned.

Mahina akong natawa, "Oo na, sige na. Alam na alam mo kasing di ko mahihindian 'yang dala mong pagkain. Ano palang gusto mo? Juice? Coffee? Iluluto ko pa kasi itong sauce." I asked.

"Coffee is fine" sagot niya pagkaupo sa high chair katapat ng counter table malapit lang din dito sa kusina.

"Okay." Agad ko siyang ginawan ng kape at ibinigay iyon sa kaniya.

Nagpatuloy na ako sa ginagawa, habang busy sa pagluluto ay tinatanong ko siya ng about sa ginawa niya kanina. Tinanong din niya ang akin at nahihiya naman akong nagsabi na pahiga-higa lang ako kanina at nanonood sa tiktok.

Speaking of tiktok, may napanood akong salt prank kanina. Gusto ko ring i-try kay Al, just want to test him kung paano niya sasabihin na hindi masarap at maalat ang luto ko without making me feel bad.

Kumuha ako ng kutsara, naglagay ng asin doon at saka sumandok ng kaunting sauce para matakpan ang asin.

"Babe," tawag ko sa kaniya. "Hmm?"

Project LOKI AUs (Compiled)Where stories live. Discover now