Prologue

274 15 0
                                    

Prologue

"Pres! Miss President!" Sigaw ng familiar na boses.

Medyo rinig ko ang sigaw ng lalake hininaan ko kasi, dahil alam kong tatawagin ako ng lalakeng ito.

Dumerestyo ako sa paglalakad. Sa pangatlong lakad ko kinalbit niya ako kaya inalis ko ang aking earpods na nakalagay sa aking dalawang tenga. Tiningnan ko siya ng seryoso.

Ngumiti siya sa akin.

Felix Aiden Montero, bakit ba ang cute mo?

"What is it?" Malamig na tanong ko.

Wala akong pakialam sa paligid. Nakafocus ako sa aking pag aaral dahil iyon ang gusto ni Mommy.

Kahit na gusto kong maging malaya ngunit hindi ko magawa dahil may nakabantay sa akin. Gusto ko maging malaya sa kamay ni Mommy, gusto ko magawa lahat ng gusto kong gawin pero hindi ko magawa.  want to do I can't do because someone is watching. Kahit papaano gusto kong maging proud sa akin si Mommy. Lagi na lamang niya akong pinagkukumpara sa nerd na iyon.

Galit na galit ako sa nerd na iyon dahil inagaw niya ang aking posisyon bilang top one sa classroom.

"Ang sungit mo naman, Pres! May period ka ano?" Mapang asar na tanong niya.

This boy, ang hilig niya talagang inisin ako.

Gusto ko siya, gusto ko ang malamig niyang boses kapag nakanta siya. Nagugustuhan ko pagiging makulit niya.

Pero palihim lamang akong nagkakagusto sa kanya. Pinapatigil ko siya sa pangungulit sa akin pero hindi siya tumigil. Wala siyang mapapala sa akin. Dahil kahit gusto ko siya wala siyang mapapala sa akin.

"Tapos?" Pabalik na tanong ko sa kanya habang nakataas nag kilay.

Tinalikuran ko siya at nilagay ang dalawang earpods sa tenga ko.

Lalakad na sana ulit ako ng kalbitin niya ulit ako, Hindi ko siya pinansin. Minsan naiinis ako sa lalakeng ito.

I stared at him.

"Hala, pres! Ang ganda mo pero bakit ang sungit mo? Ngumiti ka naman. Okay sige. May tatlo akong joke." Pangungulit niya sa akin.

Bakit ang daldal ng lalakeng ito? Hayaan na naman umiral na naman ang kakornihan niya.

Napabuntong hininga ako. "Anong joke?"

"Joke, joke, joke." Humagalpak siya ng tawa sa sinabi niya.

Hindi ko maiiwasang ngumiti dahil sa pagtawa niya. Hindi ako napangiti sa joke niya dahil napangiti ako sa lalakeng nasa harapan ko.

Tumigil siya dahil nakita niya akong ngumiti kaya tumikhim ako. At nag salpak ulit ng earpods. Wala akong tinutugtog kaya rinig ko ang sinasabi niya sa likod.

"Miss President! Pres! Nakita ko ngiti mo. Ngumiti ka? Yimnia! Yim!" Sigaw niya ng nakalayo ako.

Napatigil ako dahil ito ang unang beses na tinawag niya ako sa unang pangalan.

My heartbeat quickened and I closed my eyes.  I'm used to this man carving me and because of his carving I gradually came to love him.

Hindi ko na siya tiningnan at dumeretsyo na lamang. Nang maramdaman ko na wala na siya sa likod ko. Nilakasan ko ang volume ng aking phone. Ayaw ko sa mga pinag uusapan nila.

Puro kalandian at kachismisan and I hate it.

Umakyat ako sa hagdanan. Second floor ang aming classroom. Madaming nakatingin sa akin. Sikat ako dito dahil sa pagiging, Miss Intramurals ko.

Hindi ko sila pinapansin dahil wala akong pakialam. Kahit ligawan nila ako hindi ako papayag. Nasa tapat na ako ng classroom kaya tumahimik ang mga kaklasi ko. Tiningnan ko lamang sila gamit nag blanko kong mukha.

Nilapag ko ang aking bag at umupo.

Naghintay ako ng prof. Nasa tapat ako ng bintana. Tumingin lamang ako sa bintana.

Tinanggal ko ang aking earpods at nilagay sa aking pouch.

"Felix!" Sigaw ng mga lalake kong kaklasi.

Hindi ko iyon pinansin pero ng narinig ko pangalan ng lalake napatingin ako. Pero nag tama ang paningin namin ng nerd na ito, Sebastian Martin Almero.

Tinaasan niya ako ng kilay. Mabilis akong umiwas. Ang lalakeng ito ay seryoso lagi sa pag aaral.

Sana naman may magpaamo sa lalakeng iyan.

At age of fourteenth nakakulong ako kay Mommy. Iyong tipong sunod-sunuran sa gusto ni Mommy. Hindi naman ganoon sa akin si Daddy. Gusto kong maging malaya at magawa ang gusto ko.

Mabuti pa iyong kambal si Zoey Athena Madrigal at Duke Lincoln Madrigal nagagawa nila ang gusto nila. Ako ba kailan ba ako makakalaya? Hindi ko magawang maging malaya.

Para bang nakulong ako ng ilang taon at hindi makalaya sa kamay ni Mommy.

Zoey and Duke, pinsan ko sila mas matanda ako ng isang taon sa kanila.

Habang nakatingin ako sa may bintana naagaw ng atensyon ko ang isang babae at lalaki. Iyong babae ay babaeng inakbayan ni Aiden.

At ang lalake sikat ito pero badboy ang galawan mahilig makipagsapukan and he is Viel Arestotle Ramirez.

Pumasok ang babae ng makita niya si Aiden lumapit siya dito at sinabunutan. Napaaray naman ang lalake. Umiwas ako ng tingin dahil alam ko sa sarili ko na nagseselos ako.

Breakfast Time.

"Yimnia, hija. Pwede mo bang igala si Naomi?" Sambit sa akin ng teacher namin.

Tumango ako. Napatingin ako sa babaeng katabi ko.

Yes! Katabi ko si Naomi. Naomi ang gusto niyang itawag namin sa kanya. She's cute ang inoccent.

"Let's go!"

Habang nililibot ko siya bigla siyang nawala sa paningin ko.

Babaeng iyon. Napailing na ako at inis na naglakad pabalik sa  classroom.

Pagbalik ko sa classroom may narinig akong nagkakantahan at nagtatambol. Bumagal ang aking paglalakad habang pinapakinggan ang boses ng nakanta.

At first, I didn't seem
To care about love
But, I suddenly,
You came to me,
Following me around.
I thought I told you
To stop staring now.

Why don't you listen to me?
Stop calling me at night

But when we say "bye",
I kinda wish that we'd stay
Up all day.

Oh, it's obvious
To my friends
That when they see you smiling,
I go crazy for you.

Ang pamilyar na malamig na boses ang nagpabilis ng puso ko.

Cause you're the one that I like,
I can't deny.
Every night you're my mind.
So, if I call you tonight
Will you pick up and give me your time?
Miss you every night, miss you all the time
No I don't even know where to start

Napatigil sila ng may sumigaw. "Hala si Pres! Lagot ka Felix."

Napaayos ako ng tayo at tumikhim. Aiden sat up and smiled at me. 

-----

I like you the most by Ponchet ft. Varinz English Version.

Trials Of FateΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα