Chapter 2

680 32 3
                                    

Kevin's Pov

Ang weird mo ngayon, Jace,” saad ni Axel at sumang-ayon naman kami dahil kanina pa siya bumabanat ng kung anu-ano kay Ate Cass. Hindi ko alam kung ano ang takbo ng utak nito ni Jace.

Ang daming problema at sa tingin ko may isa pa at hindi sinasabi ni Jace sa amin dahil ang daming hindi ko alam ngayon! Katulad na lang ng pagbabalik ni Trevor! At ito pa! Si Amber daw! Hindi ko ito kilala pero parang kilala ko ang kapatid nito.

Ayoko lang siya lumapit kay T-trevor,” aniya at parang nag-de-deny lang para sa akin siya.

Weh? 'di nga?!

E ano naman sa 'yo? kung lumapit si Trevor kay Ara? 'di ba wala kang pake ro'n?” tanong ni Aldrin at ngayon natigilan si Jace at umiwas ng tingin.

Huli ka!

Tsh! Hindi ninyo alam kung anong tumatakbo sa utak ni Trevor lalo na ang mga Wright's Family,” naningkit naman ang mga mata kong masingkit at tiningnan nang mabuti si Jace.

Napatahimik naman sila. “Pero puwede naman na hindi umasta ng ganoon sa harap ni Ara 'di ba? O hulog kana? At ayaw mo magselos ka kaya pinapaupo mo si Ara sa tabi mo? At hindi malapit kay Trevor? I. . . am . . . right?” Napatingin kaming lahat kay Renz na nakangisi ngayon at si Jace nakayuko at nakakuyom ang kamao.

Hay! Hay! Hay! Binata na nga.

Gora na ako! Mag review pa ako e! Paki sabi kay Ara na mag review siya at huwag puro billiards ang inaatupag,” paalala ni Phoenix sa amin at tumango kami nag si alisan na rin ang iba at kami-kami na lang ni Roger, Lucas, Jace, Renz, Aldrin, Adrian, Axel, Leo at ako.

Puntahan natin si Ara,” yaya ni Roger at tumango ako.

Gusto ko siyang makita na naglalaro ng billiards! Astig 'yonnnnn!

Kayo na lang dito lang ako,” saad ni Jace at tumango kami ni Roger kasama si Aldrin hindi rin sumama ang iba kaya umalis na kami sabi ni Roger puntahan muna namin si Elena at tumango na lang ako.

Nang makapunta kami sa volleyball court ay nakita namin si Elena na nagliligpit ng gamit at nakita niya kami kumaway naman kami sakaniya. Tumakbo siya papalapit sa amin at nagulat pa kami ng kinutungan niya kami!

Aw!” daing namin ni Roger.

Para saan 'yon?” tanong ni Aldrin.

Para 'yan sa mga pasa ninyo! Tingnan ninyo oh! nagpabugbog na naman kayo!” sermon niya kinausap naman siya ni Roger na mamaya na lang at pupunta muna kami sa court ng Billiards.

*****
Arabella's Pov

Andito ako sa billiards court at alam ko na hindi pa naalis sila Kevin kaya lumapit ako kala Athinea.

Nea,” tawag ko kay Athinea at nilingon naman niya ako.

Oh, ikaw pala. Wala ka kanina rito sayang pumunta ang new dean dito. Oh, siya, sa sunday may practice tayo,” aniya at tumira ng bola.

Lumapit ako, humalukipkip at pinanood lang siyang maglaro napalakpak naman ako nang hindi na makatayo ang kalaban niya wala si Yella paniguradong umalis sila ng pamilya niya dahil friday na.

Monday to Thursday wala naman kaming ginawa so ngayon Friday na at kailangan namin ganahin mag practice ng sport.

Napatingin naman ako sa pumasok at laking pasasalamat ko na hindi pa ako naglalaro ng Archery! Malilintikan ako! Kumaway sila sa amin at lumapit sa akin.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon