Chapter 67 "Y-EP #2"

262 11 1
                                    

Triggered Warning!⚠️

Arabella's Pov

Lumingon ito sa akin at ngumiti ito nang tuluyan, suot ang kaniyang dress na pula na may hati sa braso. Para bang one-top-shoulder ganuon. Kumaway ito sa akin since malapit lang din kami sa entablado at makikita kami agad.

"T-tita..." bulong ko nang ngumiti ito lalo, nakakapanghina dahil tumingin din sa direksyon ko ang tatay ni Yowen na si Mr. Albarrez.

Gusto ko umiwas ng tingin subalit taksil ang aking mga mata dahil nakatingin pa rin ako sa kanila.

Ngumiti si Mr. Albarrez ngunit hindi malawak katulad nang ginagawa niya noon kapag nakikita kami ni Yowen, alam kong mahal na mahal niya anak niya dahil tinaguan siya ng kaniyang asawa ng anak na si Yowen. Ilan taon pa raw ang lumipas bago sila nagkabalikan.

Isang taguan na anak huwaw

Nakaupo na ang tatlong guests sa upuan at binigyan sila ng makakain mukhang nag-uusap sila dahil seryoso ang kanilang mga mukha at bumubuka ang kanilang labi.

"Okay! Let's start for our games this is the list!" wika ni Clayden dahil siya ang host sa game, at kami naman ang tutulong sa kanila. Binasa niya isa-isa ang games, "decode the cipher, find your partner within the minutes, sing and dance, choose color, Lie detector, balloon shooting, fashion wins, Mr. Miss and Ms. Mister of the Year-end Party, debate history and the rest."

Umugong ang bulungan at usapan sa loob ng campus kung saan kami nakatayo lahat. Pinag-uusapan na nila kung anong klasing games iyon, para sa akin tama lang iyon kaysa sa mga games na simpleng laro lang iyong walang thrill.

"Okay! Get one student by your section and please forward, let them decode the cipher without cheating! Once, the person caught your classmates was cheating, your section will disqualified!" salita naman ni Kiya at narinig ko ang palakpak ni Kevin sa

Sinabi na ni Clayden ang mechanism kung paano gagawin sa 'Decode The Cipher' parang alam ko na rin iyon, like iyong nag decode rin kami noon sa abandoned school.

Decode The Cipher Mechanism

Ang manlalaro ay aabante sa maliit na bilog na lamesa upang i-decode ang cipher na nasa lamesa nito sa loob ng labing limang minuto lamang. Kapag nauna ang manlalaro mabuo ang cipher ay maaari na niya pindutin ang pulang bottom. Sasabihin sa punong-abala ang kaniyang sagot, ang makakuha ng tamang sagot. Magkakaroon ng prize na luxury computer shop keneme.

"Okay let's start!" wika ni naman I Kiya sa microphone.

Nasa tabi na ako ng mga officer kasi magsisimula na sila. Sa section A; ang lumaban ay si Jaysie na hindi ko alam na lalaban siya sa ganitong laro, sa section B; si Aysell ang babaeng matalino sa mga program, sa Section C; ang isang lalaking nakasalamin. Sa section D; ay isang lalaki since bawal si Logan dahil isa siya sa officer. Ang mga officer kasi ay bawal makilahok sa laro ng mga studyante hays. Sa section E; ay lalaki ganuon din sa section F at H sa I naman ay babae, sa section naman namin ay si Adrian.

Kaya nila iyan

Nagsimula na sila mag decode sa table ang manlalaro. Ilang segundo pa lang tapos na agad ang babaeng Aysell na taga-section B, dahil pinindot na agad niya ang bottom.

Namangha naman agad ang iba, nagpalakpakan naman ang mga kaklase nito.

"Okay! May nauna nang natapos! Let's see what's did she decode," salita ni Kiya at lumapit si Hannah para tingnan ang dinecode ni Aysell.

"Ang galing! Tama ang kaniyang sagot," wika ni Hannah at tinanong si Aysell nang, "ano ang nabuo mo?"

"Binary code," sagot nito.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon