Chapter 48

287 12 2
                                    


Kevin's Pov

Pumasok ako sa room nang masaya dahil may sasabihin ako kay Ate Cass, gumawa kasi ako ng plano para hindi siya umalis, siguro kung umalis siya malulungkot lang ako. Pagpasok ko nandoon na ang iba kaya tinungo ko si Roger na nagtitipa sa kaniyang cellphone at parang may kausap sa chat dahil ang seryoso ng kaniyang mukha.

Rogeeerrr...” bulong ko sa kaniya at mabilis pa sa segundo ang pagpatay niya sa cellphone niya at sinamaan ako nang tingin.

Kasalanan ko rito?!

Lumayo ka muna puwede ba? Isang distansya muna pre,” saad nya na ikinaamang ko.

Ano problema nito?!

Bakit naman?” tanong ko.

Kainis! Si Elena kasi...” salubong ang kaniyang kilay habang sinasabi ‘yon.

Ano meron?” tanong ko.

Ang cold niya na hindi manlang mag reply kahapon pa,” inis niyang anas at tumangu-tango ako.

Bakit hindi mo buhusan nang mainit na tubig para hindi maging cold?” inosente kong tanong at sinamaan niya ako ng tingin.

Ano na naman?! Siya na nga tinutulungan eh!

Gusto mo ba makulong ako?! Buwisit naman! Doon ka nga muna!  Please, distance to me, Kevin. Right now!” inis niyang anas at nagkibit balikat na lang ako, tutungo sana ako sa upuan ko nang mapansin ko nakatulala si Jace kaya nilapitan ko 'to.

Jace!” sigaw ko rito nang malapitan ko kaya muntik na niya ako masuntok kung hindi ako umilag.

Dámn you Kevin, shut the f'ck up!” galit niyang sigaw sa akin at tumulala ulit.

Ano ba problema ng mga tao ngayon? Iinit ng mga ulo.

Eh, ano naman problema mo at tulala ka riyan?” tanong ko at kumuha nang upuan saka umupo sa may harap niya.

She's not replying to me!” inis niyang anas at tiningnan ang cellphone na nakapatong sa desk niya.

Bakit parang girls things ngayon hindi nagrereply? At sino naman chinat nito ni Jace?

Sino naman 'yang she?” tanong ko sa kaniya ngunit siniringan lang ako nito.

Hindi kaya si Ate Cass? Or si Elena rin?

Si Ate Cass ba ‘yan or si Elena?” tanong ko at inirapan ako nito.

Luh

Don't ask me,” pagkatapos niya iyon sabihin nagmukmok siya sa desk.

Tinagilid ko ang ulo ko at sinuri siya. Hmmm...parang may bago at hindi nagbago, sana nagkakamali ako Jace kung ano 'yan.

Guyssss!!! May announcement daww!!! Lahat sa gym!!” sigaw nang kung sino sa labas kaya tumayo na ako at sila saka kami lumabas.

Nasaan kaya si Ate Cass at bakit parang late siya?

Tumungo kami sa gym kung saan may magaganap na announcement kuno raw. Umupo kami sa upuan malapit sa stage at nandoon ang mga guro sa harap malapit sa stage kami ang nasa likod nila at nasa stage naman ang Dean.

Ano kaya meron?

Lahat ay tumayo,” sinunod namin ang sinabi ng tatay ni Liam na siya ang Dean namin sa school. “Saka tumalon. Mukha kayong walang enerhiya ngayon umaga, aba ay nalalapit na ang prom ninyo hindi ninyo ba alam?” prom?! Prooooomm???

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon