Chapter 61 "Shopping"

174 10 2
                                    

Arabella's Pov

Sinabi ni Kevin at Roger sa group chat namin kung ano ang magiging theme namin sa Year-end Party. Kasalukuyan akong nasa sofa habang hinihintay ang mga Tita ko since bibili raw kami ng costume para sa gaganapin na year-end party. Pinayagan ako nila Tita habang si Mama ay masama ang tingin sa akin. Bakit ba ayaw niya ako pasalihin? Wala naman sa religion namin iyon bakit ganuon umasta si mama?

Iniisip ko rin iyong nangyari last time. Noong tumungo ako kay Xander para sana sa kapatid niya pero bigla sumulpot ang kabute, nakakalamig dahil bigla-biglang sumusulpot kung saan, hindi na ako magtataka isang araw babansagan din siya ng lahat na 'Kabute' hindi nga pandak pero dinaig pa ang multo. He's like a ghost a mushroom. Gabi-gabi lang din siya namin nakakausap, subrang cold niya tuwing may araw. Oo, feeling ko multo talaga siya.

Naalala ko iyong nandoon ako kay Xander...

Flashbacks

Bakit nandito siya?!

Malamang Ara, para dalawin si Xander!

“What are you doing here?” tanong nito sa akin.

Abnormal ba siya?

“Dinadalaw si Xander?” patanong ko.

“Then why are you asking him about her death's sister?” tanong nito at natutop naman ako sa kinauupuan ko.

“Ara, ano nga iyong sasabihin mo?” tanong ni Xander at nilingon ko siya.

“Saka na lang, kapag wala ng kabute or multo,” peke kong ngiting wika sa kaniya.

“Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Ruru at nilingon ko siya saka pinagtaasan ng kilay.

“Bakit gusto mo malaman?” tanong ko, “interesado ka ba?” tanong ko at tumayo saka binitbit ang bag. “Too bad, Xander. I need go home quickly.”

Paalis ako nang may humigit sa akin at nilingon ko ito.

“Problema mo?” tanong ko.

“I need to talk to you about–”

“Jace,”

Tila nanikip ang dibdib ko at nilingon ang taong iyon. May dala itong tupperware kung hindi ako nagkakamali pagkain ang laman ng tupperware. Winaksi ko ang kamay ni Ruru at naglakad palapit sa kaniya, lumingon ako kung saan sila sumakay pero dapat hindi ko na inalam mukhang nagkakabutihan na sila at parehas nang sasakyan ang kanilang sinakyan.

Nilingon ko sila at walang sabi-sabi na umalis, tinawag ako ni Amber, subalit hindi ko sila, siya nilingon at pinakinggan. Umalis ako at pumara ng sasakyan. Hindi ko na inintindi kung ano pa mararamdaman ko. May namamagitan ba sa kanila habang wala ako? Bakit pumunta si Ruru sa lugar namin? Ano ito?

End of flashbacks

Simula mangyari iyon, iniiwasan ko na si Ruru. Alam ko naman na manliligaw ko siya pero kaya ko siyang patigilin. Siya na ang kusa nagsabi na "I choose the wrong path" kaya ano pa magagawa ko?

Ara, tara,” anyaya ni Tita Emma at tumayo na ako. Nakasuot ako ng fitted jeans, maluwang na t-shirt at puting sapatos, dala ang slim bag ang aking buhok naman ay nakalaglag at kulot ang buhok ng dulo saka sumama kay Tita Emma.

Hindi ko inaasahan na sasama Mama okay lang kung sila Chacha pero sumama siya. Wala si Tita Kasanra dahil mukhang may ginagawa ito.

Sasama lang ako dahil ayoko tumingin ng susuotin si Emma, panget ang taste niya. Walang ka fashion-fashion,” biglang wika ni Mama habang nasa backseat kami. Ako ang nasa gitna ni mama at tita Emma, ang nasa passenger seat ay si Chacha, ang driver ay si Tatay naman.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon