Chapter 37: Chooses & Decision

328 18 0
                                    


Arabella's Pov

Agusto trenta uno, nanalo nga ako sa racer, nabati ko nga si Kevin sa kaniyang kaarawan kahit huli na, sa subrang saya ko sa pagsasanay nasanay na rin ako maging masaya kasama sila.

Pero sa kabaliktaran ng araw ng huling agusto bakit sa rami-rami na puwede mangyari iyon ay iyong hindi pa ako pansinin? Kuwarter dos na, marami na ang nangyayari kaya hindi ko agad nalaman setyembre na pala.

Ano nga ulit ang nangyari noong agusto trenta uno? Ah...

Una, kaarawan ni Kevin, hindi ako nakadalo ngunit binati ko siya subalit styembre uno na, ayos lang naman daw ngunit wala siya sinabi sa akin na edad katulad ng sinabi ni Eyah baka naman nagsisinungaling lang siya? Or baka sa iba lang naman...hindi ba?

Pangalawa, nanalo ako sa racer gusto pa sana ako isali sa tournament kapag may nangyari at ipalaban ako tutal fast learner naman ako kung gusto raw talaga matutunan ang isang bagay.

Pangatlo, nausog ang deal sa pagpakasal sa akin between me and Clayden. Ang kaso nga lang ayaw ng Heralino masyado raw matagal kung gagawin kaya ipamamadali lang, ang kaso gumawa ng way si Kuya Gello kaya napilit nila Kuya Gello sila.

Pang-apat, huli ng agusto umuwi na rin sila Lola akala ko magtatagal sila hindi naman pala, nagbakasyon sila pero may ginawa rin sila. Nakausap ko nga si Lola eh hindi rin maalis sa isip ko 'yon.

Ang sabi ba naman "Katapusan ng setyembre, sasama kana sa amin pauwi ng probinsya," nakakagulat kaya 'yon.

Panglima, nagkaroon ako ng mabibigat na gawain hindi na rin ako pinapansin ni Clayden naiwas na rin siya sa akin. Mali ba talaga? Mali ba talagang hindi ako magpakasal sa hindi ko naman mahal?

Pang-anim, hindi ako pumasok! Sinabi ko na sainyo. Hindi. Ako. Pumasok noong agusto trenta uno.

Ngayon, setyembre uno! Wala man lang pumansin sa akin! Pagkapasok ko sa room ang tahimiiikk iyong tipong parang may dumaang anghel. Lahat sila iniiwasan ako ng tingin. Lahat din parang may problema. May mali! Nandito ako ngayon sa upuan ko tumitingnan sila, wala si Trevor e, sayang tanongin ko sana siya kung ano nangyari sa mga 'to.

Si Amber naman nakapalumbaba at kanina pa bumubuntong hininga, tuwing magkakasalubong ang amin' tingin namin hindi niya ako iniirapan kung hindi ay tumitingin lang siya sa ibang direksyon. Problema no'n? Kung ano man 'yan wala ako alam.

Tumungo ako sa lamesa ng teacher tutal wala naman klase, pagkatungo ko rito isang bagsakan dalawang palad sa lamesa na nakaagaw ng atensyon nila.

Good!

Ano nangyayari sainyo? Bakit kayo nagkakaganiyan? Bakit niyo ako iniiwasan?” nagtataka kong tanong sakanila at nag-iwas na naman sila. Sa pikon ko pinabagsak ko ulit ang palad ko na ikinalingon nila. “Ano ba?! Ano ba nangyayari sainyo? Nandito na ako para isang sagutan na lang ng tanong ko! Ano ba problema ninyo? Ganiyan na lang ba kayo? Ano? Hangin lang kausap ko rito? Tatayo lang ako para kausapin iyong mga kaluluwa na hindi ko naman nakikita?” sunod-sunod kong tanong sakanila at sabay-sabay rin silang nagbuntong hininga.

Wow? Nag practice ba mga 'to?

Alam mo kasi Ara, hindi lahat ng problema masusulosyunan,” biglang sabi ni Adrian at sumang-ayon ang iba.

Pumeywang naman ako. “Alam mo kasi Adrian, hindi lahat ng problema kailangan kimkimin. Bakit hindi niyo subukan sabihin ang problema ninyo? Why don't you let go the problem inside your system? Why don't you tell your problem instead kimkimin?” sunod-sunod kong tanong sakanila.

Hindi kasi lahat ng problema may solusyon,” singit naman ni Aldrin.

Magkapatid nga sila.

Alam ninyo, syempre hindi ninyo alam. Ganito kasi, imbis na kimkimin ninyo ay sabihin ninyo kasi ang problema. You're guys going to the wrong way. Mas maganda na sabihin ninyo para malaman natin at mapag-isipan. I, we, can give advice for each other if ever naman na ngangailangan ng tulong dahil namomoblema. Ikaw, Aldrin ano problema mo?” tanong ko sakaniya. At bumuntong hininga na naman siya.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon