Chapter 47

377 18 3
                                    

Someone's Pov

Ano ba dapat ko gawin? Syempre ano pa ba edi manira ng relasyon. Naglalakad akong papunta sa office ni Sir Arven, para sana magsumbong. Eh ano naman? Hindi ako bida-bida or sipsip, gusto ko lang maranasan nila ang sirang relasyon. Gusto ko malaman na hindi talaga sila para sa isa't-isa. Ano sila sinesuwerte sa pag-ibig? Habang ako nandito ginawang utusan? Tapos siniraan pa ako sa lover ko? Wow napakagandang buhay naman na meron ako.

I'm dealing with him. Gagawin ko na ang nararapat, wala naman akong gusto kay Ara, pero naiinis ako kasi lapit siya ng lapit kay Keireus. Dapat masira sila! Laman ng bibig ng mga kaklase ko ay puro silang dalawa, paano naman ako? Bula lang? Hangin? Tsk! What the heck they are.

Kumatok ako nang tatlong besses at pinapasok ako.

Oh ikaw pala, ano ginagawa mo rito?” bungad na tanong sa akin ni Sir Arven.

Siya si Sir Arven, counselor ng grade Ten student at wala kang magagawa kapag nagsalita na 'yan. Tahimik at nagmamanman yan sa tabi para na rin siyang supervisor pero limitahan lang ang pagiging counselor niya sa school na 'to dahil palaging busy sa pinapagawa sa kaniyang bagong principal. Tsk! Principal? Parang walang kuwenta 'yon, hinuhuli iyong mga studyante.

Gusto ko lang po sana sabihin sainyo na...iyong dalawang studyante ninyo po ay nag cutting, nakita ko po sila palabas sa park ng elementary hindi po ata sila nakita ng guard doon or wala po atang guard,” pagsumbong ko na ikinakunot ng noo niya.

At sino naman sila?” nagtataka niyang tanong.

Arabella Griano and Keireus Zamireol, Sir Arven,” pormal kong sagot.

Hinampas niya ang mesa na naglikhang kaingayan sa loob ng opisina niya. “Sila na naman?! Sige na makakaalis kana, tatawagin ko ang kanilang magulang,” napangiti na lang ako ng lihim.

Kay galing. Mission accomplished.

Lumabas ako ng office ni Sir Arven at tinahak ang garden saka naka ngiting pumasok doon.

Saya mo ata ah?” nawala ang aking ngiti at lumingon sa nagsalita.

Tsk!

Syempre, paano hindi magiging masaya kung may nasisira na akong relasyon?” nakangisi kong saad.

Hindi ko alam bakit ko sa kaniya sinabi 'yon, hindi naman niya ata sasabihin 'di ba? Lagot siya sa akin kapag pinagkalat niya.

Akala ko ako lang magsisira ikaw rin pala? Hindi ako na inform ah,” tunog sarkastik ang sinabi ngunit sinawalang bahala ko lamang.

Anong ako lang nasira? Pero bakit nandito siya??

Bakit ka nandito? Oras ng klase ah?” tanong ko.

Ayon na nga, bakit ikaw ba? Oras ng klase nandito ka? Balak mo ba mag cutting? Angas mo naman, dapat na rin ba kitang isumbong?” bigla kumunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi.

Anong–” hindi ko natuloy ang sasabihin nang tumunog ang kampana ng eskuwelahan.

Wrong timing.

Oh, tapos na pala ang klase namin. Anyway, hindi ako nag cutting ah? Baka magsumbong ka, aba unfair mo naman. Nandito lang ako kasi may ginawa ako picture-picture ba, heheh! Sige byee! Ingat! Sana hindi ka magsisi sa ginawa mo! Mwuaps!” nakangiti niyang saad at umalis na sa garden habang ako tulala lang dahil sa mga sinabi niya, alam niya bang nagsumbong ako? Teka nga sino ba 'yon? Parang ngayon ko lang siya nakita.

Tang'na panibago ba 'to? Mahihirapan ako hanapin iyong babaeng 'yon. Sino ba 'yon? Kailangan ko na hanapin siya at padamputin sa mga tauhan ko. Tsk! Hanep.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon