Chapter 59: Gathering

154 10 0
                                    

Kevin's Pov

Malapit na'ng pasko woah-oh woah-oh~ ramdam ko'ng pagiging cold mo woah-oh woah-oh~ nasaan na'ng atin' init, ng atin pag-iibigan woah-oh-oh~ nanananananana thank you for the love, eyyy,” kanta ko at nag swing pa ng kamay papunta sa room kasabay ko si Roger.

Good morning everybody! Good morning too to my handsome like me! Owww phew!

Masaya ako ngayon dahil malapit na rin ang pasko. Ilang weeks na hindi pa nauwi si Ate Cass at baka totoo ang sinabi ni Axel na hindi ito makakauwi, or hindi na ito babalik. Babalik man siya ay tanggap ko pa rin pero nakakatampo. Ang mga kaklase ko ay subrang naging busy na kung saan-saan, si Amber naman ay nailipat sa section B kung nasaan nandoon si Kiya. Dahil na rin sa ginawa ng kaklase ko kaniya lalo na iyong ibang section tapos nakahanap siya ng kaibigan sa section B at si Kiya iyon. Ang aking bebelabs.

Ganda nang umaga natin, Kevin ah?” bungad ni Axel sa akin at ngumiti lang ako.

Itigil mo iyang kanta mo medyo natamaan ako baka ikaw tamaan ko,” bulong ni Roger na ikinatawa ko.

Nitong nakaraan araw kasi kanta ako nang kanta pero banat talaga as in iyong makakatama sa kanilang pusong bigo.

Oy, oy, ano iyan? Kayo ah baka nam-ba-backstab kayo!” angil ni Axel at binato ko naman siya ng napulot ko. Ilang araw naba hindi rin kami naglilinis ng class room? Samantalang dati palagi ito malinis dahil kay Ate Cass, kapag hindi kami nag linis ng room pinapalo niya kami ng walis tambo or hindi niya kami papansinin at tatapusin niya iyong mga nililinis niya.

Nandito na kami lahat I mean kami-kami wala pa si Jace, Trevor, Nathan, Liam, Renz, Lucas at si Adrian. Nauna sa kaniya si Aldrin nandito na nga eh nagliligalig keso may ka-bebe time na raw siya.

Wohooo! Malapit na ang paskoo! May ka-bebe time na emssz!” maligalig na wika ni Aldrin at kumembot-kembot pa na parang binudbudan ng asin. Mas magaling pa ako sumayaw riyan eh!

What if mangaroling tayo?” Napalingon kami kay Tantan.

Tanda mo na mangangaroling ka pa?!” natatawang wika ni Jp at kinaltukan naman siya ni Tantan.

Tánga! Kahit matanda nangangaroling! Kasi wala ng pera!” wika naman ni Tantan.

Saan naman mangangaroling?” tanong ni Leo at lumingon ang mga kaklase namin sa amin.

Shit!

Pass, tawad agad sa amin, bawal mangaroling,” alma ko agad at lumingon sila kay Roger.

Pass, wala akong pera kay papa na lang,” alma rin ni Roger.

Mga madamot!

Kuripot!

Bakit hindi na lang kala Jace?” Napalingon kami sa nag-suggest non at tumango-tango kami bilang pagsang-ayon kay Nathan.

Tama! Kala Jace! Maraming gold bars, money na subraang kapal! Mas makapal pa sa pagmumukha ni Roger,” suwesyon ko at binatukan ako ni Roger na ikinadaing ko.

Baka putukan tayo na naman non,” natahimik naman kami sa sinabi ni Adrian na kapapasok lang.

Oo nga pala, bakit nakalimutan ko iyon?

Flashbacks

Tara, mangaroling tayo kala Jace!” suwesyon ko sa kanila at nagtatango naman ang mga kaklase ko. Grade 8 pa lang kami, nangangaroling na kami kasi noong grade 7 kami para kaming ewan na nagreresbaka. Buong taon kami nagreresbakan sa loob ng room pero habang tumatagal, nasasanay na kami sa isa't-isa.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon