Chapters 43

390 16 0
                                    

Arabella's Pov

Nakarating na kami at tumigil ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay kaya bumaba na agad ako at binuksan ang gate para makapasok si Kuya Gello gamit ang kotse, nang makapasok na patakbo akong tinahak ang loob ng bahay at bumungad ang tahimik na bahay, mukhang wala sila mama rito.

Umakyat ako sa taas at tumungo sa kuwarto saka sinarado ang pinto at nilapag ang bag sa lapag, umupo ako sa kama at napahilot ako ng sentido.

Maygosh ang dami na nangyari parang hindi ko maramdaman na araw-araw may nangyayari hindi maganda.

Binagsak ko ang kalahating katawan ko sa kama at tumulala sa taas ng kisame.

Paniguradong magsusumbong ang dalawa na 'yon. Pati paano nila nalaman na nandoon ako? Pati isa pa namomoblema ako sa lalaking mukhang aso kung ngumisi, kilala niya ako malamang hindi ko sila kilala pero namumukhaan lang.

Saan lupalop kaya nanggaling 'yon at bakit kilala niya ako?? Tapos sinabi niya na weak ako? Huh! Akala niya lang. Hindi na rin kasi ako nakakaramdam ng kalaban para lumaban ulit kaya sigurado ako na mahihirapan ako lumaban.

Isa pa, bakit nandoon sila Ivan? Like haller? Hindi ko alam kung bakit nandoon sila, si Deven pa nandoon din sila tapos aish! Naguguluhan ako bakit nandoon sila? Ano tambayan nila? Ayos lang kung public place nakatambay kasi halata naman e, pero iba 'to! Liblib na lugar! Iyong tipong kailangan mo pa suyudin lahat ng lugar para malaman 'yon!

Nilibot ang destrito ng buong mundo para hanapin, para hanapin ang pake niya este ang unp na 'yon. Ganoon kaya sila? Eh, ako nga nagugulat kasi kilala nila ako tapos sasabihin nila na bumalik daw ako like duh! Obvious naman na kagagaling ko lang doon at hindi pa ako nakakapunta roon. Magtataka ba ako kung bakit nandoon sila Ruru sa liblib na lugar para pumasok sa tagong underground bar na 'yon?

Bumangon ako at lumapit sa aking laptop saka nagtipa saka hinanap ang apps na 'FATA' alam niyo ba kung ano 'yan? Diyan kami naghahanap ng kung ano kailangan kasi ito ang searching namin. Nagtaka nga ako kung bakit FATA tapos malalaman ko sa searching is

'FATA means...Find AnyThing All'

Oh, hindi ba? Ganda at FATA! Nalaman ko lang iyan kay Kuya Gello since secret person siya at isa pa sa browser kasi ako nag-se-search, aba'y, malay ko meron nito!

Sinearch ko iyong UNP at pagka pimdot ko walang lumabas! Hmm...mukhang tagong-tago nga siya dahil liblib na lugar na wala pa sa site, mukhang naiintindihan ko na.

Wala ako sa sariling na i-search ang Heralino at lumabas ang maraming alam dito at may nakaagaw ng atensyon ko.

Melden Heralino namatay sa...

Pinindot ko ito at binasa ang meron para magkaroon ako ng information para malaman ang tungkol sa Heralino.

Sino kaya si Melden?

______
Melden Heralino – Ang namataan sa medya na may may-ari ng isang malaking kompanya ay namatay sa sunog sa kulungan, sa hindi malaman kung sino may kagagawan. Ito'y lamang binabalita ng taga-Monteverde na may dalawang kompanya sa industriya ng pilipinas.

Binabalita sa lahat, ang sunog na nangyari sa kulungan ay sadya ito dahil sa na-imbitigahan ng mga polisya. May anak si Mister Melden Heralino, ang mga pangalan nito ay si Melvies at Clayden, subaliy hindi alam ng lahat kung nasaan ang dalawang ito. May gusto nga rin dumalo sa libing ni Mister Melden Heralino, subalit hindi nagkaroon ng libing dahil krinimate na agad daw ito kaya wala na kaming balita tungkol sa Heralino's at tungkol sa kaniya kung bakit siya nakulong dahil lamang ay nandaya raw ito sa larong makasalanan na illegal at pinakulong ng may-ari ng Hi-VU school.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon