Chapter 51 'Who?'

288 14 0
                                    

2.1 Day

[9:28 AM]
Kevin's Pov

Are you joking, Iyah?” tanong ni Aldrin ngunit umiling ito.

Nakausap ko lang siya kanina sa Ho–house nila, kanina lang madaling araw kasi may pabor siya kaso, kaninang 8 am dahil pa arrive na kami nagsabi ako kay Papa na pupunta ako sa house ni Ara, then pagpunta ko roon wala siya. Tinanong ko iyong Tita niya wala raw roon pati iyong Lola niya at kung sino ang nag bantay sa kaniya ay sinabing wala. Nataranta nga kami baka kasi umalis siya ng hindi nagsasabi, hindi ba? Tapos nagtungo kami rito hindi ko alam ano ginagawa namin dito tapos ang sabi ni Papa ay baka ma enroll daw ako rito pero sabi ko ayaw ko kasi may aaralin pa ako sa province namin so kakausapin na lang daw niya ang... Dean ninyo,” lumampas ang tingin niya sa amin kaya tiningnan ko iyong sa likod ngunit wala namang tao kung hindi iyong mga studyante lang na nakamasid sa amin.

Huh? Wala si Ara sa house nila?” nagtatakang tanong ni Tantan at nabalik ako sa huwisyong iyon.

Oo nga, paano nawala si Ate Cass? Ano iyon? Tumakas?” nagulat kami nang pumalakpak ito ng isang besses sa harap namin.

Exactly! Tumakas siya! Mahilig kasi siya tumakas, panigurado ako may pinuntahan siyang importante...subalit! Hindi ko alam kung makakabalik pa siya, kaya nga hinahanap namin siya kung nasaan hindi ako nakapagpa-iwan kasi kailangan ko makausap ang Dean ninyo. So, sana naman habang wala siya at hahanapin siya ng magulang niya saan lupalop nagsuksok dahil napakalaking syodad ang meron sa probinsya ay huwag kayo magtitiwala kahit kanino ah? Kilala at hindi huwag pagkatiwalaan! Dapat maging strong at independent kayo! Mga nasa paligid ninyo na importante ay hawakan ninyo kung ayaw ninyo mapunta ito sa wala at hindi rin magtiwala sa inyo,” napanganga na lang kami dahil sa sinabi ni Iyah.

Totoo kaya 'yon? Paano kung...

Tara kain tayo?” yaya niya at kumalam ang sikmura ko ganuon din sa katabi ko na ikinatawa niya. “My treat,” ngiti niya kaya napatayo kami at ngumiti sa kaniya.

Sayang libre! Tara dali mamili tayo!” aya ni Aldrin at tumakbo kami papunta sa counter sumunod din si Iyah at tumingin nang makakain sa itaas.

Totoo kaya mga pinagsasabi niya? Eh bakit niya hinahanap sa amin? Napatigil ako nang nilingon niya ako at kinindatan na ikinamula ko.

Lintik babae iyan, Kevin! May Kiya kana! Pumili na lang ako ng makakain, libre rin sulitin na natin baka hindi muli maulit pa sayang. Naka-order na kami at umupo na sa opean namin na may dalang numero para sa order dahil medyo marami rin iyong na-order namin.

Iyah, bakit mo hinahanap sa amin si Ara eh kung nandoon naman siya tumakas sa lugar ninyo?” tanong ni Tantan at napatango kaming dalawa ni Aldrin.

Gaya ng sabi ko, mahilig siya tumakas lalo na kapag ayaw niya sa lugar na iyon. Tatakas siya kapag...gusto niya makita ang isang tao na naging malapit sa kaniya at maipaalala ang lahat. Subalit, dahil sa trahedya na nangyari nawala ang ibang memorya na hindi niya kinaya sa kamay ng kaniyang kabilang pamilya kaya ito ay hahanapin niya iyong lalaking nakita niya sa isang makinang na larawan,” naguguluhan ako sa sinabi ni Iyah masyado malalalim iyong mga salita niya para bang may pinapahiwatig siya ngunit hindi niya puwede i-daretso sa isang daan ang salita dahil baka mabisto siya. Saan naman?

Tikom lang kami hanggang dumating iyong pagkain. May iniisip ako kung nasaan si Ate Cass, bakit naman siya tatakas? Sino naman ang kikitain niya? Sino ang taong iyon?

*****
[10:25 AM]

Arabella's Pov

Mag-ingat ka, Sandy,” payo ni Cha at tinanguhan ko lang ito.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon