Chapter 25

401 26 0
                                    


[Bakit parang ambilis?😥]

Arabella's Pov

Nakalipas ang ilang oras at uwian na andito ako sa may apartment kung saan building naninirahan sila Renz. Pumasok ako sa loob at sakto lang ang sukat para sa akin.

Bintana katabi lang ng malapit sa pintuan, ang counter sa kusina ay sakto lang para lagyan ng kalan na maliit at lababo sa gilid. Sa tabi ng counter ng lababo sa may kanan ay pader na 'yon sa pader na 'yon ay Cr na ngunit hindi nakaharap ang pintuan ng cr sa harap ng bintana na malapit sa may pintuan, ang kaharap ng pintuan ng cr ay bintana ngunit ito ay pangalawang bintuan kung saan kaharap ang counter ng lababo.

At sa lapag na ako hihiga kung saan malapit sa may bintana na kaharap ang cr, may kurtina naman ang bintana kaya walang mag-aalala para masilipan dahil sa labas ng ikalawamg bintana ay ang makikita rito ay Garden sa apartment.

Anyway, kapit-apartment ko lang sila Phoenix at Josh akala ko si Renz kaso sa tabi non may tao na pala nakatira, so sa dulo ako kung saan masisinghap ko ang malamig na simoy ng hangin at nagsasayawang mga puno.

Did you like it?” tanong ng nasa likod ko at tumango ako.

Bigla kumalam ang sikmura ko naalala ko na hindi pala ako marunong magluto. Anak ka ng putcha. . . Dahan-dahan akong lumingon kay Renz na nagpipigil ng tawa.

R-renz, a-ano...” Tumungo ako at kinalikot ang mga daliri.

Don't worry andiyan si Phoenix puwede magluto pero syempre tutulong ka hahaha,” nahiya ako sa suggest ni Renz at tumango akong dahan-dahan.

Alis muna ako,” paalam ni Renz at lihim kong inangat ang ulo ko. Nakita ko siyang lumabas at sinarado ang pinto. Huminga ako nang malalim at kinuha ang cellphone pagbukas ko maraming message ni Kuya Gello ang bumungad.

Lagot na. . .

Nagulantang ako nang mag vibrate ang cellphone at bumungad sa screen ang numero ni Kuya Gello. Oh-uh. Ginapangan ako ng kaba at umiiling-iling saka ko pinindot ang green call, tinapat ko sa tenga ko ang cell phone.

WHERE THE HELL ARE YOU?!” Nilayo ko ang cellphone sa may tenga ko dahil sa sigaw ni Kuya Gello at in-speaker na lang.

Nasa–

WHERE ARE YOU?! KANINA PA AKO NAGHIHINTAY RITO!” kanina pa? Saan?

Saan po–

DITO SA TRAINING! NASAAN KABANG BABAITA KA?!” mukhang galit si Kuya Gello.

Papunt–

PAPUNTA PA LANG?! I'VE BEEN WAITING FOR YOU! PERO HINDI KA PUMUNTA!” anak ka naman ng tokwa. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

Mukhang galit nga siya!

Papunta na po! Kakain lang–

NASAAN KABANG BATA KA AT HINDI KAPA NAKAIN?! Ngayon, gutom ka at kaninaaa pa ako nag-iintay sa'yo! Come here! You have only 20 minutes left! Now!” galit niyang sigaw na sabi sa kabilang linya at namatay ang call.

Kinabahan ako kaya kinuha ko 'yong bag at wallet ko, nilagay ko sa bulsa ang cell phone at susi. Dali-dali ako lumabas ng apartment, nakita pa ako ni Renz at tinawag ngunit hindi ko siya pinagtuonan ng pansin dahil kinakabahan ako kung ano puwede gawin sa'kin ni Kuya Gello kapag nahuling dumating.

Makababa ako ng apartment, nagpara ako ng masasakay hanggang sa lugar na pupuntahan ko. Nang makarating bilis-bilis ako nagbayad at bumaba na, tumakbo ako papunta sa loob hanggang sa training room napatigil ako dahil si Kuya Gello na naglalayab na sa galit ang bumungad sa'kin pagkabukas ko ng pintuan.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon