Chapter 32

345 24 2
                                    

Arabella's Pov

Nanlalamig at nanginginig ako dahil nandito na kami sa airport kung saan hinihintay si Lola Gracia hindi ko alam kung ano isasalubong non sa akin natatakot talaga ako sakaniya baka ano gawin niya pero dapat hindi ako kabahan kasi 'andito naman si Kuya Gello.

Ara?” tila tumigil ang paghinga ko dahil sa pamilyar na bosses ang tumawag sa akin at unti-unti ko nilingon ang taong 'yon at napalunok na lang ako na magtama ang mata namin.

Lo-lola G-racia, w-welcome b-ack po,” kabado kong pagsalubong sakaniya at nabigla ako nang niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko kahit na tapik lang 'yon nagugulat pa rin ako baka kasi bigla mapalakas ay kawawa naman ang aking katawan na payat!

Kumalas siya sa pagyakap at ngumiti sa akin. “How are you?” tanong nito na parang nasa normal na buhay lang kami. Siguro nagpapanggap 'to.

Nakalimutan ko na magaling nga pala sila magpanggap kaya hindi nakikita ang ebidensya.

O-kay lang po,” pinigilan kong hindi mautal at tumingin sa likod niya na nandoon ang butler niya na nakangisi sa akin.

Butler?? Ginawa niyang butler ang anak niyang bunso na kapatid ng tatay ni Jaysie. Kalaban ko 'yan isa siya sa nakilala ko sa kaunting alaala ko na nanakit sa akin kapag pinapabantay ako ng papa ni Jays sa kapatid nito. Parang wala akong kakampi sa angkan ng Peréz's.

Jusko parang mamaya't bukas may mangyayari na hindi ko na naman gusto mangyari. Kalaban at kakampi takte.

Head family warrior ba ang mangyayari? Abangan natin 'yan sa pag-uwi ko, ako po si Ara na nanawagan na iligtas ninyo ako kahit ngayon na.

Nabalik ako sa wisyo nang tinapik ako ni Kuya Gello at nasa loob na pala ng kotse sila Lola Gracia kasama ang bunso niyang anak na Butler niya. Pumasok na rin ako sa loob ng passenger seat at pinaandar na ni Kuya Gello ang kotse.

Sa katahimikan na naghahari si Lola Gracia ang bumasag.

How's your school?” tanong nito sa akin at hindi ko siya matingnan sa front mirror dahil baka kabahan na naman ako sa titig niya.

Okay lang po nakatayo pa rin po–este ayos lang po medyo masaya,” na hindi na talaga masaya. Hindi ko napigilan ang pagiging barado kong tao dahil sa tanong. Sorry na gawain lang minsan napatingin ako kay Kuya Gello na umiiling-iling.

Disapoyntment yan? HAHAHA disapoyntment ba yon? Parang hindi naman

I'm disappointed to you, Ara, because of your behavior now. Gello, how's your work?” tanong naman ni Lola Gracia kay Kuya Gello.

Ay tama! Disappointed! Pero–wala naman ako sinabi na ma disappointed si Lola Gracia sa akin hays people nga naman may pagkabipolar din parang si Lola Gracia. Shhh!

Fine,” maikling sagot ni Kuya Gello kay Lola Gracia.

Okay, Helandriaz's and Griano's ay mabait sa Peréz's pero ang mga head ng family na 'yan tatlo ay hindi magkakaroon ng pagkabutihan dahil na rin sa trono kuno na sinasabi nila. Wala naman kasi ako pakaelam sa mga ganiyan na family pero dahil damay ako at palagi rin ako nasa gitna at feeling ko isa lang pipiliin ko.

Bakit? Dahil ang tatlong 'yan ay hindi magkasundo meron pa nga raw eh iyong matataas na ranggo sa iba't ibang bansa na narito sa pilipinas ay hindi nila kasundo pero wala sila magagawa mababa lang daw ang ranggo ng pamilya namin kaya wala kami magagawa. Wait nasa bahay iyong papel ko sinulat ko iyong mga pamilya na hindi magkakasundo hindi ko talaga alam basta ang laki-laki raw at mukhang wala talaga ako sa gitna dahil parang nasa lowkey family ako na pinagaawatan.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon