Chapter 27

485 27 5
                                    


Arabella's Pov

Nakalabas na ako sa hospital at nandito ako sa bus namin yes nakahabol kami ilang minuto lang naman ako nasa hospital ayoko rin naman manirahan doon kaya pinalabas na rin ako dahil maayos naman ako huwag na lang daw pilitin at magtanong hindi ko alam ano pinupunto ng doctor na 'yon.

Bakit kasi ayaw sabihin ni Ruru? Speaking of Ruru katabi ko lang siya rito babatanyan niya raw ako siya raw ang magiging assistant ko tutal wala naman si Renz. Okay? At least nakahabol kami sa bus ang alis nito ay ten am pinapunta lang kami ng 8 kasi matagal ang byahe hindi raw puwede mawala rin ako ngayon dahil mahalaga raw ang photographer. Nice, mahalaga ako as a photographer nga lang. May nalamana ko, katabi ni Kevin si Kiya puwede pala 'yon? Akala ko bawal edi sana pinatabi ko si Nevermind may katabi na'ko. Hmm... Si Nathan naman katabi ang isang lalaki hindi kilala may partner si Kevin babae rin nagseselos ata si Kiya sakanila e ewan bakit. May label na kaya sila? Hmmm...

Kinuha ko iyong cp ko at nag earphone ako dahil matagal naman matutulog muna ako.

Gisingin mo ako kapag andito na,” bilin ko kay Ruru at ngumiti lang siya. Bakit ba siya ngumingiti? Nakakainis! Nakinig na lang ako ng music hanggang sa bigla tumunog ang... I think I'm inlove again ano ba! Nanadya ba 'to? Kalma self music lang 'yan pinapakalma ka niya...

I think I'm in love again~

Inangyan.

Baka hindi na ako makatulog! Nakakainis naman 'tong music na 'to, mukha ba talaga akong in love? Hindi ba puwede magkaroon muna ako ng crush?! Ilan taon na ako hindi nagkaroon ng crush tapos inlove na agad?!

Pinapakinggan ko lang iyong music at bigla nag pop sa utak ko iyong itsura ni Ruru kanina habang sinasabi niya ang mga katatagan na nagpapatibok sa puso ko. Ano na gagawin ko? Dapat nag fofocus ako sa gagawin ngayon what the eff...

I didn't think it could be true ~

Malay ko rin naman na naging totoo! Sabi ko hindi nga ako mahuhulog sakaniya tapos malalaman ko inlove na ako sakaniya? Enemy to lover 'yan?! What the ef.

While I'm thinking of you as my husband ~

Naiimagine ko na naging asawa ko si Ruru oo! Noon lang iyon naiimagine ko siya bakit ba? Masama ba mag imagine sabi nga nila free dream nga raw eh.

Napatingin ako sa taong nasa gilid ni Ruru dahil nasa may bintana ako siya iyong sa kabila ko. Tinanggal ko na rin ang earphone ko at pinatay ang music wala sa hulog ata iyong tugtog ngayon.

Yiehhh kayo ah? Kayo na ba?” tanong ni Kevin sa amin at umiling ako.

Ang issue nitong batang 'to–awh...

Umiwas ako ng tingin kay Kevin dahil naalala ko iyong sinabi ni Eyah. Oh, speaking of Eyah busy iyon sa training pati na rin sa magaganap wait nabanggit din niya na kilala siya nila Ruru.

Bumalik na sa upuan si Kevin at nakipagchikahan kay Kiya pero parang galit ito sakaniya, bakit parang may label na sila?

Hoy, Ruru,” tawag pansin ko kay Ruru at bumaling ito sa akin.

Hmm?” tanong niya habang nakangiti.

Kilala mo si Eyah?” tanong ko dahil naninigurado lang ako kung kilala niya.

Yup, why?” sagot niya akala ko magsisinungaling siya hehe.

Wala, ka anu-ano mo pala siya?” tanong ko.

Curious lang ako bakit ba.

Hmm...secret?” napangiwi ako at dahil sa sagot niya.

Sino ba nag imbento ng secret na 'to?!

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon