Chapter 35

372 23 1
                                    


Arabella's Pov

Hindi ko alam kung nasaan kami basta tumigil kami sa wait...ah! Luneta park! Hays. Kasama nga pala 'to roon sa waiver. Nandoon na ang Bus ng iba kaya nagsibabaan na kami at pumila muna kaming tatlo sa section E saka kami lilipat kapag nakita namin ang ka-section namin and besides may call-name pa magaganap para kung sino nawawala at kung sino ang hindi.

Natawag na lahat binigay ko ang papel namin sa lalaking representative ng section E, walang teacher kada bus representative lang buti na lang hindi officer. Ang representative rito sa amin ay puro mga college na at puro lalaki kinuha iyon ng aming Dean na si Dean Reo.

Nakita ko ang section GL at nandoon na ang lahat kaya lumapit na si Trevor at Axel lalapit pa lang ako nang hinarangan ako ni Jero.

Kapag lumapit ka sa section mo hindi na maganda ang magiging turi ng section E sa'yo pagbalik mo,” napalunok ako sa banta niya.

Tangína niya ba? Ano ba problema nito? Napatingin ako sa section GL at nakatingin sila sa akin kaya napapatingin ang ibang section sa amin, nilingon ko si Jero.

Kay Trevor at Axel?” tanong ko at umiling ito.

Mukha ako talaga ang target niya ngayon. Magaling. Nakitang kong lalapit si Ruru ngunit umiling ako sakaniya at tinuon ang pansin kay Jero.

Sige,” payag ko at ngumiti naman siya. “Sa isang kondisyon,” pagbitin ko na ikinakunot noo niya, “sasama ka sa akin,” sa presinto. Hindi ko sinabi ang kasunod dahil nandito pa ang mga kaklase niya besides ang isa pinaka gusto ko makausap at makilala pa ng lubos ay nakatitig sa akin.

Saan?” tanong niya.

Malalaman mo,” sagot ko at ngumiti sakaniya saka bumalik sa puwesto ng babae.

Sige, sasama ako,” napangisi ako ng lihim. Gagu ka rin pala ano kaya iniisip mo at ano iniimagine mo kung saan kita dadalhin? Jero, jero tarantádo ka talaga.

Bumalik na siya sa puwesto niya at pinagtitinginan ako ng iba, napalingon ako sa section ko at nakakunot ang noo nila hindi ko sila pinansin at kinuha ang cellphone ko saka chinat ang lalaking magbubukas ng subject mamaya at isasama niya ang kaklase namin.

'Idala mo sila' chat ko sakaniya at bigla naman siya nag reply ng 'Sige. Nakahanda na rin ang lahat' iniisip ko kung saan lugar ito pag-uusapan iyong hindi malalaman ng lahat kung ano ang rason malalaman lang na nasa kulungan na siya.

Aida's needs justice.

Tinago ko na ang cellphone ko at nagsimula na maglakad ang section namin papasok sa Luneta Park. Dito raw pinatay si Dr. Jose Rizal o kilala sa buong pangalan José Protasio Rizal Y Alonso Realonda na itinuturi raw na bayani ng pilipinas.

José Protasio Rizal Y Alonso Realonda na mas kilala sa pangalan na Dr. Jose Rizal, na itinuri ng pambansang bayani ng nakararami, Dr. Jose Rizal ay isa sa mga pilipinong magigiting na nakipaglaban para sa kalayaan ng pilipinas hindi lang para sa dahas kung hindi ay sa paraang salita. Akalain niyo 'yon ano? Isang tao na nakipaglaban para lang sa pilipinas, dahil ang pilipinas din ang kaniyang bahay na dapat niyang ipaglaban ngunit salita lamang ang kaniyang ginamit na nanggaling sakaniyang utak.” Tinuro ng isang lalaki na mukha siya ang nagtuturo tungkol kay Jose Rizal, itinuri niya ang bibig at utak pinapahiwatig na salita ang ginamit at hindi ano mang sandata para makipaglaban at utak naman ay sa paglaban ng talento kung saan hindi madudumihan ang kamay at bigla may nagtaas ng kamay kaya binigyan ito ng microphone.

Sir, may I know? Why we need to know about him?” tanong ng isang babae at may pagkamaarte ang tanong niya.

Para malaman ninyo kung sino ang taong nag sakripisyo para sa atin' bansa. Kung kayo ang tatanongin ko, bakit kailangan makilala kayo ng isang pamilya ninyo pagkatapos ninyo magsakripisyo para sa kanila?” tanong ng lalaki nagtuturo tungkol kay Jose.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon