Kabanata 7

1.3K 46 1
                                    

Kabanata 7: Phone

At that moment, silence descended upon the area. Walang nagkusa na magsalita at halos mabingi ako sa katahimikan naming dalawa.

I immediately sprawled down on my bed when we came home since I was exhausted.

Nairita ako nang may tumawag na unknown call sa akin. Kaagad ko iyong pinatay pero hindi ako tinigilan kaya sa bandang huli ay sinagot ko na lang.

"Si Floyd ito. Salamat at sinagot mo rin sa wakas ang tawag ko."

Nanigas ako sa aking kinauupuan at bahagyang nataranta dahil napatawag siya sa akin. What is the problem? Why did he called me?

"Hindi pa rin mahanap sina Lupin at Soma. Pero ang mga bobong iyon ay sobrang talino at may nakitang litrato na picture niyong dalawa ni Satina at mukhang pinag-isipan nilang mabuti na idiin kayong dalawa! I called just to inform you. Nasa hospital ang biktima at na-comatose ang lalaki. Malala at kailangang sumabak sa matinding operasyon. Galit na galit ang Mayor at lahat ay hahalughugin niya para lamang makita o malalaman kung sinong gumawa no'n sa kaniyang anak."

Nanlaki ang mata ko at biglang nanginig sa kinauupuan. Ano?!

"W-What?!" umapaw ang galit sa aking sistema. "Did they really do that? Ang idiin kami? What did I do? Wala akong atraso sa kanila! Anong meron at ano na ang lagay? Please, contact me everytime na may balita sa kanila at sa biktima. Please," I pleaded. Bumuntonghininga lang siya at ako naman ay tila nawalan ng gana at nanghina.

"Pero nakakainis ang Tita mo, ah? Nakikialam dito. Pero anyway, she defended you and she also said you're too innocent to do that to the boy. Si Ma'am Gemma. Nakialam siya kanina sa pulisya at nilinis ang pangalan mo. Thanks to her."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa aking Tita. Bakit niya ginawa iyon?! I thought she hated me? Bakit biglang ganito at siya pa mismo ang naglinis ng pangalan ko sa pulisya?

"Ibababa ko na ang tawag. Pinapapunta pa ako sa office para makausap ako ng police. Mukhang dawit din ako pero magpapaliwanag ako. Huwag ka nang pumunta. Nalinis na ang pangalan niyo ni Satina."

Pagkatapos ng tawag na iyon ay kaagad kong tinawagan si Margatha.

"Hello? Nandiyaan ba si Tita Gemma? Nakauwi na?"

Rinig na rinig ko ang irita sa kaniyang paghinga.

"Fuck you. I was fucking my boy toy today and tumawag ka?! Ano ka bang babae ka at panggulo? Huwag ako ang tawagan mo. Mas mabuti pang si Elia na lang!" kaagad niyang pinatay ang kaniyang line.

Umirap ako at sinubukang tawagan ang isa.

"Hello, Elia? Nandiyan na ba si Tita Gemma?"

She did not answer me.

Nairita na ako kaya sinigawan ko na siya.

"Elia! Nandiyan na ba kako si Tita Gemma? Answer me please, importante lang!"

Maaga iyong umalis dahil nagtatapos ang klase ni Ma'am bandang alas tres. Alas sinco na ngayon.

She sighed boardly. "Hindi ko alam, eh. Tash. Pautang naman, oh."

Pumikit ako nang mariin at umirap sa hangin. Ito na naman siya.

"Parang hindi ka blood related-"

"Fuck you. Hindi talaga!" kaagad kong pinutol ang tawag.

Maya-maya ay tumawag ang kapatid ni Elia sa akin, si Erol.

"Tash. Hindi mo raw pinautang si Elie?! Napakawalanghiya mo naman? Babayaran din naman! Hindi na kami binibigyan ng allowance dahil kay lolo! Utang lang hindi mo pa magawa. Parang hindi ka naman kadugo! Palibhasa'y masyado kang sumisipsip at mayabang! Mayabang ka pati ng pamilya mo! Masyadong matataas ang tingin sa sarili!"

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now