Kabanata 21

1.2K 39 2
                                    

Kabanata 21: Justice

I was exhausted when I first awakened and was yet able to get out of bed. Like nothing bad happened to me.

Hilong hilo akong bumaba sa hagdanan at hinawakan ang sarili, napansin na wala na ang pagod sa aking katawan. Wala na ang lagnat ko. Sigurado namang nilagnat ako dahil nabasa ako sa ulan ng ilang oras, natuyan pa.

Nang makita ako ni Aling Nelya ay kaagad akong niyakap nang mahigpit.

"Diyos ko po! Diyos ko pong bata ka! Hindi ko alam ang gagawin sa 'yo!" she cried as she spoked up to me. My eyes started to tear up all of a sudden. "Diyos ko! Isang linggo kang natutulog, ni ayaw akong palabasin dahil pinagbabawal iyon ng mga guard, hindi kita nadala sa hospital! Diyos ko! Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa 'yo!"

Hindi ko na nakayanan ulit. Nanghina ako bigla at napayakap kay Aling Nelya. Matagal na siyang nagtatrabaho rito at simula bata pa lamang ako kaya laking pasasalamat ko na tinuring din niya akong anak.

"Nanay. . ." hagulgol ko sa kaniya.

"Ilang oras kang nawawala no'n at halos ipagiba ko buong mansyon, hindi ka pa rin nahahanap! Ang boyfriend mo, Hija! Bawat oras bumabalik dito at hindi mapakali!"

Bigla ko siyang naalala.

"Kaaalis lang niya at may emergency pa raw siyang kailangang ayusin, hindi ko naman alam kung ano 'yon. . ."

Napahilamos ako sa aking mukha. Matapos ang usaping iyon ay nagkulong lang ako sa aking kuwarto ng halos umabot dalawang linggo! Ganoon katagal! I hardly ever eat and never even go out. I'm unsure about my own current situation.

"Tasha. . . Kumain ka naman, Hija. Hindi matutuwa ang Mommy mo sa ginagawa mo."

Ni hindi ako bumili ng bagong cellphone. Lahat wala. Bawal ako lumabas pero gusto kong pumasok. Gusto kong makagraduate at makapagtapos! Isang taon na lang at paniguradong mayayari ko na ang kolehiyo. Kaonting tiis na lang, kakayanin mo 'to, Raji!

On Monday, I acted as if I hadn't experienced any difficulty the previous week. Tahimik na naglalakad sa patutunguhan ngunit may naalala ako na nilagay kong snacks sa aking bag. Hindi pa pala ako kumakain!

Dumukot ako ro'n at may napansin. . . May isang envelope na kakaiba ang laman. Nang buksan ko iyon. . . Biglang tumambol ang aking dibdib.

Be prepared for your early death.

The letter I received from someone I didn't know made me uneasy. But I ignored it. Baka pinagti-tripan na naman ako. Dati pang may nagpapadala ng mensahe sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon pinagtutuonan ng pansin noon. Wala rin namang nangyayari pero iba ang kutob ko rito.

Nang makatapak ako sa unang palapag ng aming building, nakita ko na kaagad si Satina na nagkukumahog tumakbo sa akin at mukhang natataranta ang kaniyang itsura. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya at hinintay ang kaniyang sasabihin.

Huminga siya ng malalim. "T-Tash. . ." nanginginig ang kaniyang boses.

Bigla akong kinabahan.

"Wanted tayong dalawa! Tangina! Pinaghahanap tayo ng pulisya! Wala tayong kasalanan!"

Umawang ang labi ko sa mabilis niyang sinabi sa akin. Tinakpan ko ang bibig niya at hinila siya sa may CR. Buti na lamang at maaga pa, walang katao-tao. Mas nakauna pa pala akong nakaalam kaysa sa kaniya.

"Tatlong taon na ang nakalipas, bakit tayo pa rin ang pinaghahanap? Sat," I said with my tired voice. "It's fucking serious!"

She cried after covering her face with both hands.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now