Kabanata 17

1K 27 1
                                    

Kabanata 17: Scar

Pagdating namin sa kuwarto niya ay kaagad akong humiga. Katatapos ko lang maligo kaya siya naman ang naliligo ngayon. Pinapayagan ako ni Daddy na matulog dito dahil malaki naman ang tiwala niya kay Zavin.

Nangunot ang aking noo nang may tumawag sa akin.

"This is Floyd."

My lips parted.

"Be careful, Tash. Nanamahimik ang korte ngayon at sa oras na umingay ulit, malalagot kayo nina Satina," pananakot niya.

Bakit kami?!

"Wala kaming kasalanan sabi!" halos pabulong ko iyon na sinabi.

"Sinasabi ko lang!" mariin na aniya. "Mahirap kalabanin ang kalaban at mukhang malakas!"

Napaupo ako sa kama at saka napahilot sa sentido. Kumusta kaya si Satina?

"Wanted ako ngayon, dinamay ako nina Soma dahil nalaman nilang sinabi ko sa inyo. Kaibigan ko rin kayo kaya nag-aalala ako lalo na't damay kayo. . . Hindi niyo na makakausap ang lalaki, Tash. . . Inilipat na sa ibang bansa."

I forced a firm breath as I paid attention to what he was saying.

"Alam lang ng mayor na kayo ang may kasalanan dahil nakita ang mga litrato niyo ro'n."

Pumikit ako nang mariin.

"Wala silang proof na kami 'yon!" stress na ani ko.

Natahimik siya. "May gloves na nakita sa picture niyo na punong puno ng dugo. . ."

Bigla akong namutla nang marinig ko iyon. Gloves? Bakit? Hindi naman ako nagsusuot ng ganoon, ah?

"At ipapa blotter iyon kapag umingay ulit ang korte, Tash. . . Baka naman kung kani-kanino ka nakikipagkamay?!"

Mabilis na dumagundong ang kaba sa aking dibdin. Napakurap-kurap ako sa kaba. Huh? Naalala ko lang noon na may nakipagkamay sa akin dahil nga sa mabuti naman silang tingnan noon at ganoon naman ako sa mga kakilala ko, ah? Niyayakap ko pa nga.

Mabilis na namatay ang tawag dahil sa aking panghihina.

What the hell?! Anong katangahan ang pinasok ko?!

Hindi ko alam kung paano kami napasok sa gulo na iyon. Nananahimik lang ako, kami ni Satina. Pero kung sino man ang putang inang gumaya sa pananamit at kung sino man ang babaeng sa litratong iyon ay mananagot sa akin!

Tinaas ko ang paningin ko sa kisame at saka nag-isip nang kung anu-ano. Hindi ko yata nakakayanan ang mga nangyayari ngayon. Malala na talaga.

Lumabas siya ng kaniyang CR at kaagad ako na pinuntahan sa kama. He is fully dressed, but his hair is still wet. He gave me a big smile before coming up to me.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang gitara at napansin na may nakasulat doon. Tinuro ko iyon sa kaniya at namamanghang kinuha.

"Ano. . . 'to?" lumunok ako nang mariin.

Narinig ko na tumunog ang kaniyang pagngisi at saka kinuha ang gitara sa akin saka iyon tinagilid. May nakaukit doon.

Rajani's child.

Natawa ako nang mabasa iyon. Ano na naman 'to, Zavin? Ngumiwi ako at hinaklin si Theni sa kaniyang kandungan. Kinuha namin ang pusa na iyon sa amin dahil gusto niya raw na makasama.

Anak din daw naman iyon.

"Ang dami kong babies," tumawa siya at tinuro ang gitara, sumunod si Theni at panghuli ako.

"Sira!" I grinned.

He began strumming the guitar and then began singing. I got goosebumps by his frigid voice. Namungay ang mata ko habang pinapanood siya.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now