Kabanata 34

2.5K 66 41
                                    

Chapter 34: Survive

Mabilis kong natunugan ang busina ng sasakyan ni Reis kaya nagdamali akong lumayo kay Zavin na kanina'y kayakapan ko.

Papatawarin ko ba siya? Papatawarin din ba niya ako?

"Shina!" mabilis akong tinago ni Reis sa kaniyang likuran. Nagtama ang tingin nilang dalawa at parang naglalabanan ng masamang tinginan. "Why are you here, boy?" he arrogantly asked.

Zavin did not respond and only stared at me. I bent down quickly and bit my lower lip. Hindi ko na alam kung ano ang susunod na hakbang kong gagawin. Niyakap ko pa lang siya kanina dahil ano? Dahil naawa ako?

Totoo na wala akong alam sa buhay niya noon dahil hindi naman siya nagsasabi ng problema sa akin. Palagi ko siyang nakikita na masaya at siyempre umalis na ako noon pero sana man lang ay tinawagan niya ako dahil hindi naman ako nag deactivate ng mga accounts ko, iyon nga lang ay hindi ko na binubuksan. Pati ang mga sim ay tinapon ko na rin.

"Raji. Tell Reis everything. We will going to marry each other-"

I cut him off.

"Sorry."

Handa na ba ako? Handa na ba ulit ako sa kaniya na umuwi sa panghabang buhay hanggang sa pagtanda?

May anak naman na kami.

Pero hindi iyon rason kung mananatili ba ako o hindi. Gusto ko ring sumaya pero kanino nga ba?

Sa bawat pagsubok ko sa kaniya, lumilisan ang tadhana, sa bawat paglisan ko, humahabol siya.

Ganoon. Ganoon palagi kaming dalawa.

"She's my wife! We married each other five years ago had passed!" agap ni Reis.

Ngumisi si Zavin. "Really? Then, why her surname still Medrano? Ano iyon? Kinakahiya niyang ilagay ang surname mo sa pangalan niya?"

Naramdaman kong nanguyom ang kamao ni Reis kaya mabilis ko siyang pinigilan sa pagsugod sa isa dahil nangangatog na ngayon ang tuhod ko! Huwag nila sabihing dito pa sila mag-aaway sa kalagitnaan ng daan?!

Pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"W-Well," he cleared his throat. "She's still my wife! Leave now, you are just her ex! You broke up with her almost a decade ago!"

Pahisteryang tumawa si Zavin.

"We never broke up, Reis. Alam ni Raji 'yan, huwag mo akong takutin at baka mapisak ko pagmumukha mo," he sarcastically said.

Nanginginig kong tinulak si Zavin. Ilang sandali pa ang lumipas nang kumuwala si Reis sa akin at muntik nang sugudin ang isa at buti na lamang ay mabilis ako kaya kaagad ko silang napaghiwalay!

What the hell is wrong with them?!

"Huwag kang mayabang, Amavuez! Salot ka lang sa lipunan dati at madungis ka!"

Tuwang tuwa si Zavin ngayon at mukhang nag e-enjoy.

"Oh? Should I clap?" he chuckled.

Nanginig si Reis. "Fuck you, man!"

Napatili ako nang suntukin ni Reis si Zavin, hindi naman gumaganti ang isa! What the fucking fuck! Tuwang tuwa pa siya!

"Raji, your imaginary husband was punching me, come on! Help your legal husband that named Zavin!" nakangusong aniya kahit may dugo na sa labi.

Hilong hilo na ako sa kanilang dalawa at hindi na alam kung sino ang tutulungan.

"Stop! Fuck you two idiots!"

Pinagpag ni Zavin ang kaniyang kamay at pinasok sa magkabilang bulsa ang kaniyang kamay.

Susugod ulit si Reis nang pigilan ko siya ulit pero nagulantang ako nang malakas niya akong tinulak dahilan kung bakit napahiga ako sa daan! Nakaramdam ako ng sakit sa aking likod.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now