Kabanata 31

2.8K 78 19
                                    

Kabanata 31: Real

"Pakilagay na lang ang wood sa gilid pati itong concrete, Drey, sakto na ba ang bilang ng wood diyan? Sige. What about the cement? Kailangan kahit sampung simento lang muna. And the hollowblacks? Okay. Thank you!"

I just stood there calmly watching Thevan as other workers measured the ground and proceeded on the design. Hindi ako nagsasalita kanina pa nang makarating ako rito sa Batangas kung saan ipapatayo ang bahay namin.

Natatakot akong magsalita baka bigla akong bumigay.

"Gin, pakilagay din ng metal dito sa tapat, bilangin mo nga kung sakto," tumango ang lalaki. "Salamat."

May hawak siyang measuring tape habang pabalik-balik na tinitignan ang blueprint at sukat ng lupa.

Bakit nga ba ako pumunta rito?

Para makausap siya.

I bit my lower lip and locked my gaze at him. Halata pa rin ang mugto ng aking mata kaya naisipan kong magsuot ng salamin na itim habang naka t-shirt plain and skirt. Nakalugay din ang buhok ko.

"No, it's unequal. Dusog mo pang bahagya. 'yan."

Humalukipkip ako at tumungo habang nakikinig sa kanila kahit na medyo malayo ako.

He was making measurements in his scratch notebook when I abruptly stood up and noticed him coming toward me. Malamig ko lang siyang pinanood hanggang sa huminto siya sa aking harapan. Hindi ko siya kinakausap kanina pa.

"Well, you indicated a spanish design, and the land you acquired is rather large and I would have planned to put another one-"

Nag-angat ako ng tingin. "Kung may space pa, balak ko sanang gawing library iyon ng anak ko."

Tumango siya.

"Okay, noted. What else?"

Hindi na ako nagsalita. Mabilis ko siyang tinalikuran para pumasok sa aking kotse dahil may kinuha lang sa bag pero bumalik din ako kaagad.

"My son have a suggestion," tumingin ako sa aking phone para tingnan ang message ng anak.

Ezequiel Giovanni Medrano:

Mom! Good morning po! Take care po.

I just woke up around nine and had a nightmare. Mommyyy!!! I want shelves, tell it to the Engineer man, please my Mommy! I want a massive wooden shelves for my things.

"Massive wooden shelves for his perfume collection."

His lips parted a bit.

Nagtaas siya ng kilay. "Your son likes perfume?"

Hindi ko ulit siya sinagot.

"Hey."

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Nawawalan na ako ng gana sa totoo lang. Nakakapagod din pala talaga.

"Gusto niyang ikaw ang gumawa, ayaw niyang bili. Gandahan mo sana para hindi ka nakaka disappoint," I looked away.

"Okay. . ." he smiled at me awkwardly.

Umarko ang aking kilay.

"Saan ka galing noong isang araw?"

After that question, I immediately looked away. Again.

Natigilan siya at biglang hindi makapagsalita. Sarkastiko akong ngumiti kahit na hindi pa niya nasasagot iyon.

"Why are you not talking too-"

Nagtiim-bagang siya. "Gapan," maikling sagot niya.

Dahan-dahan akong tumango. Ang ikli ng sagot niya, kinakahiya niya bang kasama ang pamilya niya noong isang araw? Lunes na lunes ngayon pero wala ako sa ulirat. Walang pumapasok sa utak ko, literal na wala.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now