Kabanata 28

3K 88 47
                                    

Kabanata 28: Cheap

Lumipas ang ilang mga araw na tulala ako at halos hindi makapagfocus sa trabaho. Nakahinga nga lang nang maluwag dahil sa takbo ng oras. Ito na 'yon. Magkikita na ulit kami.

He was walking aggressively towards me with no expression on his face.

"Uh, s-saan ako sasakay? Sa passenger seat or back s-seat?" I nervously asked.

He looked away. "Kung saan ka comfortable."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Sige sa back seat na lang."

He nodded. "Good. Sasabay si Cathy sa atin, may pupuntahan."

Ngumiwi ako. Hindi man lang tinawag na wife?

I spotted Cathy rushing in our direction before I could nod. Umaalog ang boobs niya pero mukhang wala siyang pakealam doon. I sighed while biting my lips. Ang awkward pag ganito.

"Viyo!" she sweetly called him. Hindi yata uso ang endearment sa kanilang dalawa kaya ganoon.

Mabilis akong sumakay ng backseat at umupo na nang matiwasay. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at mukhang may pinag-uusapan sa labas dahil ako pa lang tao sa loob ng sasakyan. Nagtawanan silang dalawa at parang. . . Ibang iba si Zavin ngayon. Parang sobrang saya niya, kumpleto na siya at kuntento. . . Nang pagbuksan niya ng pinto si Cathy ay mabilis akong yumuko para iwasan ang tingin nilang dalawa.

Ang saya nila.

Tahimik lang kami sa halos isang oras at wala rin akong planong magsalita. Cathy quickly showed it to Zavin who laughed, and I overheard her notification sound.

Hindi ako maka-relate!

Sa kaniya ako sumakay ngayon dahil suggest din naman niya. Binigay ko na rin ang location kanina para siya na ang bahala sa lahat.

Nang lumipas ang trenta minuto, biglang huminto ang sasakyan. Lumabas si Zavin at pinagbuksan ng pinto si Cathy.

When I looked at them, I noticed that Zavin was staring at Cathy with concerned expressions in his eyes.

"Cathy, take care of yourself. Okay? Susunduin kita rito mamaya pag natapos kami sa ginagawa namin nung kliyente ko," malambing na aniya sa babae.

Kliyente niya. . .

Mabilis naman siyang hinagkan ni Cathy at hinalikan sa pisnge.

"Bye, Viyo! Sunduin mo ako, ha? Magagalit ang anak ko kapag umuwi ako ng sobrang gabi!" she pouted. "Bawal pa naman ako magpagabi!"

Zavin chuckled. "Hindi magagalit ang anak natin, I already talked to them," rinig kong sabi ng lalaki. Namungay ang mata niya at mabilis na pinatakan ng halik sa pisnge si Cathy.

Nagpaalam na ang babae at tuluyan nang umalis.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka totoo nga na kasal na nila. Halata naman, Tash! Bakit ayaw mo pa kasing maniwala?

Siniksik ko ang sarili ko at sumandal sa pinakagilid upang hindi niya makita ang mga luha kong pumapatak na, para hindi rin niya marinig ang hikbi kong mahina na mukhang nakikipaglabanan pa sa aking sarili. Ang hirap makitang may iba na siya.

Ako 'yong pinangakuan niya noon, ang sabi pa niya hindi siya hihinto sa pagmamahal sa akin pero bakit nakahanap siya kaagad ng iba?

Calm down, Tash! Nine years ago na ang lumipas kaya natural lang na makahanap siya ng iba. Ikaw lang naman itong hindi pa makalimot, wala na ng siyang pakealam sa akin, eh.

I wiped my tears away. I'll move on and forget about him one day. I know I've told myself that many times, but I can't because I loved him.

Nang makarating kami sa paroroonan ay naglagay ako kaagad ng salamin, umaga pa lang. Mga alas otso kaya medyo mainit na.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now