Kabanata 29

3K 74 30
                                    

Kabanata 29: Husband

It's unfair for the both of us. Ang unfair sa akin! Ang unfair sa asawa niya!

Ang unfair niya!

Ako ang naunang nakaharap niya sa altar.

Nakakainis siya.

I relaxedly grinned towards the sky. My eyes started tearing up as I stared down at a grave. Kasalan ko ba talaga? Did I deserve this, Gab? Kasalan ko ba kung bakit ka namatay? A-Ako ba?

I'm sorry. I knelt at the grave and apologized to him as I laid the flower I had brought there.

Mabait daw na bata si Gab pero dahil sa akin, nawala siya. Kasalanan ko ba? Natatakot na tuloy akong humingi ng tulong. Kahit na mamatay ako sa lunod, sa susunod hindi na. Hindi na ako hihingi ng tulong, ayoko na. Ayokong may madamay na iba dahil sa katangahan ko.

Palaging ako iyong nagsisisi.

Gab, kung naririnig mo man ako, deserve ko ba 'to? A-Anong iniisip mo sa akin ngayon? Katulad ka rin ba ng kuya mo at ang mga tao na nagsasabing kriminal at mamamatay tao ako? Paano kung gaanon nga? Anong gusto mong gawin ko?

Sa totoo lang, matapos kong malaman na buntis ako noon, kahit na sinabi kong kukunin ko ang responsibilidad na iyon ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-anong mga bagay. I intended to drown myself before but was unsuccessful. At the moment, Daddy was angry with me.

Ang hirap kasi mag-isip lalo na kung baliko ang isipan ko. I checked with my psychologist as well, and everything was fixed. I was very stressed out because I had no idea where to go or what to do.

Noong nagbubuntis ako, gustong gusto ko na katabi ko si Zavin pati ang mga pusa ko, sa loob ng nine months na iyon, madilim sa akin ni halos wala akong makitang liwanag pero nang nanganak ako kay Zavin, hindi na. I told myself I would be alright and I would forgive myself, but who did I fool? Sarili ko lang din.

Iyong frustrates na nararamdaman ko na wala si Zavin sa tabi ko, ramdam ko pa rin hanggang ngayon. Dahil kahit na nandito na siya, nakakausap ko, nakakasama ko, iba na ang mundo niya. Iba na ang ginagalawan niya.

I was smitten to young Zavin, a simple, good-natured, charming, and responsible him.

"G-Gab. . . Nagsisisi ako," I confessed. "Paano kung ako 'yong namatay? Hindi magagalit sa akin si Zavin pero hindi kami magkakakilala kung nagkataon. I'm sorry. . . It's okay, kasalanan ko naman yata talaga," mahinahon kong pakikipag-usap sa harap ng kaniyang puntod.

Siguro, kung buhay siya, masaya siya ngayon kasama sina Zavin at ang pamilya niya.

But in the other word, hindi ako nagsisisi dahil kung hindi kami nagkakilala, walang Zevan. He was my angel who rescued me from the depths of my despair.

"Sana ako na lang."

Mabilis akong umalis doon at sinubukang tawagan ang kaibigan. Siyempre, makikibalita ako sa kaniya. Ngumiti nang malapad sa akin ang asawa ni Priton habang pinagbubuksan ako ng pinto. Binati ko siya, ganoon din ang kaniyang ginawa.

Pumasok ako sa kanila at pinasadahan ang buong bahay. Napakagat ako sa aking labi nang makita ang painting ng pamilya nila, ang galing. Pinaupo niya ako at binigyan ng tsaa.

"Nasaan siya?"

She shrugged. "Umalis pero babalik din 'yon kaagad, ate Raji."

Pilit akong ngumiti nang marinig ang kaniyang sinabi. Ilang taon na ang nakalipas pero ganoon pa rin ang tawag niya sa akin?

"Sabi ko naman sayo na huwag mo na akong tawagin na Ate! At Raji. Kung puwede, Tasha nalang. Iyon naman talaga ang tunay na pinantatawag sa akin ng karamihan," iling ko habang ngumingiwi.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now