Kabanata 40

1.6K 38 3
                                    

Kabanata 40: Presence

"O-Oo, sige! Kapag may free time a-ako,"

Pinutol nila ako.

"Weekends na bukas! Ano, ready ka ba? 'Yon lang ang free time natin!" excited nilang bigkas.

"Ah, hindi ako puwede bukas. May date kami ng Husband ko," iling ko.

Kaagad silang tumili at pinalo ang isa't isa, napagaya tuloy ko. Mukha silang mga bata na naka suporta sa amin! Akala mo hindi trenta kung kiligin.

"May asawa ka na pala! Akala ko churever kang zingle!" tawa ni Diane.

Umiling ako habang tumatawa. Hindi rin nila alam may anak na ako, paano pa kaya kung malaman nila?

"Accla! Anong tingin mo sa kaniya? Hindi kamahal-mahal? Tingnan mo naman mukha niya! Kung pagbabasehan, paa ka lang ni Latashina!"

Tumawa si Jeraldine. "Shuta! Kung makapagsalita ka, Angela, akala mo may pumapatol sayo."

"Meron naman?"

"Keri ka always sa afam! Makekeri din kepkep mo niyan!" tumawa na naman kami.

"Tanga, korean bet ko hindi afam. Igagaya mo naman ako sayo?" pagtataray ni Angela.

Sumabat si Diane. "Pinoy nga ayaw sa inyo, korean at afam pa kaya!"

Napaawang ang aking labi at napatikom ng bibig. Buti na lang at may isang Pilipino na nagkakagusto sa akin. Bwisit, buti na lang mahal ako.

"Wala! Wala! Nalalayo tayo sa usapan! Sa susunod na sabado, bibisita kami sa inyo! Sana magkaroon na kayo ng baby para kami na ang magpaanak sayo!"

Ngumisi si Angela. "Libre ko na bills."

Umiling ako. "Kaya kong bilhin buong hospital kaya wag niyo akong pagyabangan!"

Nangasim bigla ang mukha nila sa akin nang sabihin ko iyon. Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko.

"Mga accla! Trabaho muna!" pumalakpak ako para magising sila sa katotohanan na ako lang ang diyosa rito.

Nangingiti ako habang nag aasikaso ng mga pasyente at tingin ko'y na we-weirduhan na sila sa akin. Paano ba naman, nangingiti ako habang tinutusukan ng karayom ang isang pasyente. Para tuloy akong may binabalak sa bata! Nagtiim-bagang ako at inayos ang aking sarili. Mamaya na ang landi, Raji!

Nang matapos sa trabaho ay kaagad akong lumabas ng parking lot para buksan ang ang cellphone.

Raji's husband:

Miss. On the way na po, maghanda lang po ng bente para sa bayad.

Wife of Zavin:

Hindi na lang ako sasakay sayo.

Raji's husband:

Benteng halik.

Wife of Zavin:

Bente lang? I can kiss you a thousand of times!

Raji's husband:

No, I can kiss you uncontrollably infinity.

Walang katapusang halik? Grabe naman 'yon! Baka lumobo na labi ko kung mangyari ang gusto niyang gawin. Parang kinagat ng tuko gano'n.

Hindi ulit ako nakapag-reply at itinago na lamang ang cellphone na hawak. Iba na ang nararamdaman ko na 'to! My heart began to race, and I couldn't seem to control the lively flow of the blood through my body at the same moment. Basta ang alam ko lang, kuntento na ako ngayon.

May pa ayaw-ayaw ka pa, Raji! Kita mo na, rurupok ka rin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang may dumating na SUV sa harapan ko. Bumaba siya at nakangiting pumunta sa kinaroroonan ko. Iba na naman ang kotse na dala niya. Ang yaman na siguro niya ngayon.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now