Kabanata 19

1.1K 34 2
                                    

Kabanata 19: Veil

Nakauwi na si Zavin sa kanila at kaming dalawa na lamang ni Mommy ang natira sa aking kuwarto. She gave me a piercing glare that made my heart beat faster.

Lumapit siya sa akin nang may nakataas na kilay. Umusog akong bahagya sa dulo ng aking kama dahil sa kabog na aking nararamdaman, parang sasabog na ang buo kong sistema dahil sa kabang iyon.

"Viyothenin, huh?"

Mabilis kong naitikom ang aking bibig dahil sa kaba na aking naramdaman. Akala ko ba ayos na? Bakit mukang nakakatakot ang ekspresyon niya ngayon?

"M-Mommy?" I nervously called her.

Umupo siya sa tabi ko at tumikhim. Para akong nasa crowd at punong puno ng napakaring tao kahit na dalawa lang naman kami sa kuwarto. Kinakabahan talaga ako pagdating sa kaniya.

"Viyothenin is a good man," umpisa niya. Alam ko naman. "Parehong pareho sila ni Rajiana," she laughed. "Paborito ng lola mo 'yon, alam mo ba?"

Nangunot ang aking noo. Lola Devore? Paborito ang Mama ni Viyothenin?

"She likes her so much more than me," bumuntonghininga siya. "Your lola Devore was the one who gave that name to you, Rajani."

My lips parted when I heard that. I didn't know.

Aaminin kong kakaonti lang ang nalalaman ko tungkol sa buhay nila Mommy noon dahil hindi naman sila nagkukuwento sa amin. At isa pa, bata pa ako noong namatay si Lola kaya ganoon. Mahirap mawalan ng Lola, malaking kawalan si Lola sa buhay naming pamilya dahil simula noong nawala siya, naging parang sunud-sunuran ang parents ko kay Lolo at sa bago niyang asawa.

Pero ang mas masakit sa lahat, bago pa namatay si Lola, nagkaroon na ng anak si Lolo sa ibang babae. Sa madaling salita, hindi pa man ako pinapanganak ay nagloloko na si Lolo sa pamilya namin. Kaya hindi ko gaanong close sina Margatha, Elia at Erol, idagdag mo pa si Ma'am Gemma. Dahil sila ang apo ng Lolo ko sa bagong asawa niya na naging kabit noon.

"She really likes her, gusto niyang ipakasal ang Daddy mo kay Rajiana," she laughed again. "It hurts but she's my friend. I accepted it, okay. . . Rajani ang nilagay ko na name mo! But thankfully, she's in love before with Cedger which is your boyfriend's biological father."

Mabilis akong nalito ulit. Ang dami ko pala talagang hindi nalalaman sa kanila. Ngayon, ito na naman. May past kaya sila? At tama ba ang narinig ko? I heard it, right? She's in love with Tito Cedger but how come she married another man and not him?! How come?

"But she didn't confess, she was a coward back then or should I say, until now. She married someone she doesn't love. Pero mahal niya si Cedger."

How did that happened when in the first place, she loves him? Is this because she's that a coward? Siguro may mas malalim pa na dahilan iyon.

"Walang nakakalam ng rason niya tanging siya lang. Cedger was so heart broken that time," napakamot siya ng kaniyang noo at ngumiwi. "I was. . . Too. So we comforted each other, Lola Devore accussed us for being a cheater but we're actually not. She was enraged by that and then when the time I was pregnant with you, galit siya palagi sa akin dahil akala niya kay Cedger ka, nang manganak ako, pinilit niya akong ipangalan iyon kay Rajiana."

Mahabang kuwento niya sa akin. I listened to my mother's statement like a puppy. I never heard her talked much like this. Ngayon lamang kaya natutulala ako sa tuwing may sasabihin siyang kakaiba na ngayon ko lang malalaman.

She smiled widely at me like there was no yesterday.

"Rajiana was a nurse student before but she didn't finish it because of her personal problems. Si Lola Devore lang palagi ang nasa tabi niya, mahal na mahal niya si Rajiana. I was jealous. . ." she held my hand as I looked into her eyes. I saw sorrow and pain there. ". . . I am an actress before and your Lola hates that, sabi niya, magaling daw ako at kayang kaya ko magpanggap na hindi nagloloko kahit manloloko naman ako, pero hindi 'yon totoo!" agap niya kaagad sa akin.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now