Kabanata 45

1.1K 28 19
                                    

Kabanata 45: Forever

Hinatid ko sa eskuwela ang mga bata at ngayong pauwi na ako sa mansyon, susunod na rin sa akin si Zavin. Day off niya ngayon.

He gave me a kiss on the lips as he welcomed me, making me smile more.

"How's my wife?" malambing na bulong niya sa akin.

Pinalupot ko ang aking kamay sa kaniyang leeg at mabilis na pinatakan ng halik ang kaniyang labi.

"I am fine. . ." I giggled. "How's my husband?"

Napakagat siya bigla sa kaniyang pang-ibabang labi at mukhang namamangha sa akin na marinig iyon. Masanay ka na ngayon Zavin dahil tatawagin na kitang ganoon araw-araw.

"Your husband needs more kisses," namamaos na aniya.

Napangisi ako bigla.

Hinila ko siya at mahigpit na niyakap sa kaniyang baywang. Nababaliw ako lalo sa kaniya, sobra.

Noong nasa batang edad pa lamang ako, masyado akong nahumaling sa kaniya. Minahal ko siya nang sobra. Siguro ngayon, mas lumala lang siguro lalo. Mahal na mahal ko siya. Hindi naman ako titigil sa paghahabol kung hindi. It was all worth it. He's been loyal to me as I was.

Hinding hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya, na minahal ko siya.

Ang nag iisang kulang ko lang ay ang pag-iwan sa kaniya kahit na marami siyang problema. Pero tama lang siguro na iwan ko siya para sa ikabubuti naming dalawa. Hinding hindi na ako hihiling pa ng iba. Masayang masaya ako sa kaniya, sobra.

"I have a meeting today, it's just fast promise. I will come back home quickly."

Nalungkot ako bigla.

"Damn," mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone. "Kage, cancel the meeting."

Napaawang ang aking labi at kaagad na umiling sa kaniya, gulat na gulat dahil sa dineklara niya sa kaniyang kausap.

"Just do it!" iritang untag niya.

Habang kausap niya si Kage ay pinauulanan ko siya ng halik sa kaniyang mukha. I smile as I surrender to him again and again. Since he is the one person who can keep me alive, I feel as so I am moving in the proper way in life with every glance I throw to him.

Maraming naganap, maraming nangyari pero ngayong araw na ito, para bang isa itong milagro na matagal na naming hinihiling. Ang makasama ang isa't isa hanggang sa pagtanda.

Tama nga ang ipinangako niya noon sa akin na kahit hanggang sa pagtanda ay dadalhin niya ako.

Despite the fact that we split up and spent ten years apart from one another, our love for each other and never diminished.

Nanood kami ng movie marathon about sa isang babae na mahina ngunit nakaka survive sa lahat ng mga zombie.

"Foul! She's weak!"

He nodded.

"But she still survive, huh?"

Napakatanga ng bida sa movie. Malapit na siyang makasama sa tunay niyang pamilya para makaligtas ngunit binalikan pa niya ang lalaking pinakamamahal niya na ngayon ay kinakain na ng mga zombies!

Mabilis na nagtago ang babae sa dilim at hindi na muling lumabas sa pinagtaguan niya.

"How she can fight with them? She's weak!"

I heard him sigh.

"Kung mahina siya ay hindi siya makakalaban!"

He chuckled.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now