Kabanata 10

1.4K 45 2
                                    

Kabanata 10: Deeper

"H-Hindi pa nga tayo nag ki-kiss, eh!"

He smirked slowly.

Suminghap ako at biglang nakaramdam ng kahihiyan. Ngayon ko lang din napagtanto na  nakakaagaw kami ng atensiyon ng iba. Iniisip siguro kung sino ang lalaking dala ko

"Anong nangyari? Ginulo ba kayo ni Charles? And ano itong narinig kong hinalikan ka niya? Huy huhu! May asawa ‘yon," namutla ako at dumagundong ang kaba sa aking dibdib! What?! Kunwaring umiyak si Satina sa akin at hinampas ang braso ko.

"Sat! Hindi ko alam! A-Ano. . ."

I bit my lower lip and closed my eyes tightly. I let out a long sigh. "S-Sat. . "

"Hayaan mo na nga! May sasabihin ako. Good news pumunta siya!" she smiled.

"And bad news?"

Umirap siya. "Bad news may ka-date na dala!"

My lips parted as I peered at her.

"You're so heart broken. Condolence," I smirked.

She pouted. "Ayos lang. Ang mahalaga pumunta siya."

As I spoke to Satina, Zavin gripped my waist and pulled me in.

"Did you invite Margatha?" kunot na noong tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at mukhang na-offend sa tinanong ko.

"What?! Why would I?" she cringed.

Pumikit akong mariin at tinuro kung nasaan sina Erol. "Bakit nandito sila kung ganoon?"

Naka pamewang na siya ngayon at mukhang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ako rin. Bakit kaya sila nandito? Gatecrash? Shit.

"Hayaan mo 'yan. Baka nangangayayat na at kailangan ng makakain. Nagdala pa ng kapwa niya tipaklong, huh! Lakas ng loob! Hindi na nahiya!"

Umiling ako at ngumiwi na lang. Umalis na siya kaya naiwan na naman kami ni Zavin. Nakakunot lang ang noo niya sa akin at mukhang nagtatampo pa rin. Hindi ko maisip na ganito siya! Ano kaya ang nakain niya?

"Kausapin ko lang sila," tukoy ko kina Margatha. He nodded. Hindi nagsasalita at nakahawak lang sa baywang ko. Naglakad ako at sumunod siya.

Nahinto ang pagtatawanan nilang magkakaibigan at kaagad na nagkumahog lumapit ang malanding si Margatha at hinawakan ang dibdib ni Zavin! Nanlaki ang mata ko at tinulak siya. Siniksik ko ang sarili ko kay Zavin. Naramdaman kong yumuko siya sa akin.

He murmured to me. "Easy, I'll pay enough attention with you all tonight, exclusively you."

Wow, check the label first!

Nanggagalaiti ko silang tinurong lahat.

"Unvited ka ba rito? Kayo? Invited kayo?"

Umiling si Elia.

Margatha answered me. "Alam kong invited ka kaya pumunta kami. Bakit? Masama ba? Pinsan mo naman kami, ah?"

Napakurap-kurap ako sa sinagot niya. Pumunta sila dahil invited ako? Fuck?!

"Wala ka talagang kahihiyan 'no? I pity you. Masyadong papansin at epal," I gritted my teeth.

She only laughed.

"Pinsan mo pa rin kami."

Kapal ng mukha.

Sa sobrang irita ko ay tinalikuran ko na lamang sila. Pero bago pa ako makaalis ay hinigit na niya ang aking braso.

"Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa lalaking kasama mo? Bastos ka masyado," tinuro niya si Zavin.

"Kailangan pa ba 'yon? Kilala mo naman na. Para ka ngang linta na sunod nang sunod sa kaniya. Thankfully, hindi ka pinapansin. Allergy kasi siya sa malandi," I rolled my eyes and left her with parted lips.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now