Kabanata 43

890 29 10
                                    

Kabanata 43: Eternity

Alas sais pa lamang at narito kami sa condo ni Zavin. Bukas kami pupunta sa mansyon namin dahil nag-aayos pa lamang kami ng kagamitan na ililipat doon bukas. Tatlo kaming naiwan dito dahil mukhang malalang emergency ang kinakaharap ng dalawa.

Ngumuso ako habang nagluluto ng sinigang habang ang dalawa kong anak ay nagtatawanan at nakaupo sa sofa, masyado silang busy sa kapapanood ng cinderella. No choice si Zevan at sinunod na lamang niya ang gusto ng kaniyang kapatid habang inaayusan siya ng buhok.

Ginagawa niyang babae si Zevan.

But still, so cute. He always obey her wants and needs.

"Zevan!" she pouted. "I changed my mind. Now, I want you to look like Ariel!"

Napasinghap ang kaniyang kambal at napahawak sa noo.

"My pretty sister, I'm not a girl, hey!"

Natatawa akong lumapit sa dalawa since tapos naman na ako sa niluluto ko at nakapaghain na rin ako ng mga plato sa lamesa, lahat ay nakaayos na. At mukhang gagabihin ng uwi si Zavin, hindi siya makakasabay dahil sa patong-patong na problema nila sa trabaho.

"But I want us to look like Ariel," she caressed her brother's hair. "I told you, twin. Pumayag ka na! I thought you love your sister?!"

He sighed, mukhang natalo sa kanilang dalawa.

"Okay, okay! I love you, of course! Fine! Whatever!"

Umayos siya ng upo at tatawa-tawang kinuha ni Hani ang red wig at saka iyon nilagay sa buhok ni Zevan. Napatakip ako ng aking bibig dahil sa tuwa!

"Hep! In one condition!"

"What?!"

"Use this wig too!"

Iyong panglalaking wig naman.

"What? No! No way!" kaagad na reklamo ni Hani.

"Zevan and Hani, we're going to eat na! Come here!"

Sabay silang tumingin sa akin at nagsalita.

"Oh, yes! Prettiest Mom in the whole world, give us a minute, Mommy!"

Mabilis silang nag bulungan na dalawa hanggang sa tumakbo si Hani. Nangunot ang noo ko at bumalik siya galing sa kuwarto at mukhang may kinuhang cellphone.

"Let's picture together!"

Napakurap-kurap ako nang isuot ni Hani ang wig na panglalaki. Wow! Parang nagkabaliktad sila!

Nakangiti silang dalawa sa camera ngunit simple lamang ang kay Zevan samantalang ang kay Hani naman ay sobrang lapad ng ngiti na halos hindi na makita ang kaniyang mata!

"Come on, pumunta na kayo rito. Let's eat na!" tawag ko sa kanila.

Mabilis ulit silang lumingon sa akin na para bang nababasa nila ang isip ng isa't isa. Inangat ni Hani ang cellphone na hawak niya at ipinakita iyon sa akin dahilan kung bakit nagtaka ako.

"Mommy, sali ka po! Para may picture po tayong tatlo!"

Pinunasan ko ang aking kamay at saka lumapit sa kanila. Handa na akong makipag picture! Nagulat ako nang kumuha ng lipstick si Hani at nilagyan ng kabiyak na heart ang aking magkabilang pisnge at dinikit doon ang pisnge nilang dalawa. Napaangat ako ng tingin sa cellphone na hawak ni Hani at nabigla nang makitang naka perfect heart shaped ang puso sa aming pisnge ngunit kaagad siyang nag click kaya kitang kita ang gulat ng aking mukha sa litrato naming tatlo.

"Hani! Let me see!" kaagad na untag ni Zevan sa kaniyang kapatid.

"OMG! Hani!" gulantang na wika ko. "Oh my goodness! Mukha akong chaka riyan!"

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now