Kabanata 14

1K 34 0
                                    

Kabanata 14: Engage

"Hija! Congratulations!" ang mga Tita ko sa mother side ko na maligayang bumati sa akin.

Kinawayan ko sila at niyakap.

"Thank you po!"

Marami pa ang bumati sa akin na nakangiti pero nang masilayan ko na ang pamilya ng father side ko ay kaagad naglaho ang malapad kong ngiti. Nakabusangot silang lahat at mukhang bagot na bagot habang nakatulala sa handaan.

Bumalik lamang ang aking ngiti sa labi nang mamataan ko si Lola Armellia at Lolo Damiano. Si Lola Armellia ang whole grandmother nina Elia, Margatha, Erol at Tita Gemma. Habang si Lola Devore naman ang aking whole grandmother. Nang namatay si Lola Devore, ang unang asawa ni Lolo Damiano, ay nagpakasal silang dalawa ni Lola Armellia. Second wife niya lang si Lola Armellia.

"Congrats, Hija. . ." may katandaan na siya at uugod-ugod na katulad ni Lolo.

"Salamat po, Lola."

Hinawakan niya ako at saka niyakap nang mahigpit. "Natutuwa ako sayo dahil sa kasipagang pinapakita mo. Hindi ako nagsisisi na sayo ko ipinangalan ang aking Mana. Sa oras na mamatay ako ay malaya mo na iyong makukuha-"

"Lola, huwag niyo pong sabihin iyan. Mas mahalaga po ang buhay niyo. . ."

Matagal na panahon na kaming nagkaayos kahit na dati ay malaki ang galit ko sa kanila dahil kabit siya na pinakasalan pa. Pero ngayon, wala na akong galit sa kaniya kung hindi sa mga apo na lamang niya. Masasama ang ugali at hindi kanais-nais.

"Huwag mong papakinggan ang mga sinasabi ng aking mga anak. . . Hayaan mong ibigay ko sa iyo ang mana ko. Malaking halaga iyon at nakakaamoy ako ng mabuting kinabukasan para sa iyo. Magagamit mo iyon kalaunan."

Minsan, naguguluhan din ako kung bakit sa akin niya ibibigay ang mana na iyon at hindi sa sarili niyang mga anak?

"Maraming salamat po, Lola."

Binati pa ako ng mga iilan. Nakipag party ako sa dagat-dagat na mga tao. My boyfriend is nowhere to be found. Pero alam kong kinausap siya ni Daddy at mukhang tatagay sila habang pinag-uusapan ang gagawin sa plantasyon dahil mayroon na namang binili si Daddy na lupa sa hindi kalayuan.

Pinagsabay ang event ngayong gabi. Ang graduation ko at success of the company.

"Tasha! Congrats my baby girl!" bati sa akin ni Satina. Nakasuot siyang long dress na kulay pula.

"Congrats din! Finally! College na niyan!" natatawa kong bigkas.

"Marami pang lalaki sa college, hindi na ako makapaghintay," she giggled.

Nangunot ang aking noo at umirap dahil sa sinabi niya. Ganito naman siya palagi pero buti na lang at nasanay na ako. Tama na sa akin ang isang lalaki, hindi ko kailangan ng marami.

Hindi ko nga alam kung nakakarma ba siya sa sobrang dami niyang lalaki o patuloy lang ang kaniyang masarap na pamumuhay.

"Tigilan mo nga 'yan. Nandito tayo para mag party hindi para isipin ang bagay na iyan."

"Sus! Parang hindi ka pa nasanay! Ngayong linggo naka apat lang akong lalaki. Boring pa ng tatlo, buti pa si Ignatius. . . Matured tapos pasok na pasok sa standard ko! Siguro siya na talaga ang para sa akin!"

"Ilang beses mo nang sinabi 'yan pero ang ending ay nakakahanap ka pa rin ng iba."

"Sila naman ang nakikipagbreak 'no, hindi ako! Sino sila para iwan ako? Akala naman nila umiiyak ako sa lalaki. Sus! Hindi ako jejemon!"

Napaawang ang labi ko at bahagyang natamaan sa sinabi niya.

"Ah. . . Kaya pala umiyak ka noong nireject ka no'ng crush mo?" wala sa sarili kong dineklara. Bumusangot siya at umirap.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now