Kabanata 13

1K 37 8
                                    

Kabanata 13: Harder

"Hija, kumusta ang pag-aaral mo?" nakangiting wika ni Daddy sa akin.

Hinawakan niya ang aking buhok at marahan iyong hinaplos. Nitong mga nakaraang araw, madalang ko na lamang siyang makita. Lalo na si Mommy. Silang dalawa ni Daddy ay palaging nasa Zambales at inaasikaso doon ang bagong pinatayong mansyon.

I smiled. "Maayos naman po, Daddy."

Ngumisi siya. "Good. By now, pack your things. We'll fly to Europe after your graduation, Hija. Hindi ba at gusto mo ro'n?" napawi ang ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng kaba.

W-What? Aalis kami?

"D-Daddy?" kinakabahang sabi ko habang nanginginig sa taranta.

"Hindi ba ay gusto mo ro'n, Hija? I called your friends. They were waiting for you there. They misses you a lot. Bakit? Nagbago na ba ang desisyon mo?"

Pumikit ako nang mariin. Alam kong gusto kong makapunta doon sa Europe matagal na dahil nababagot ako rito pero ngayon, may dahilan na ako para manatili, ngayon pa ako aalis?

Suminghap ako. "I won't go, Daddy. I wanna live here forever. Hindi na ako aalis. Dito na lang po ako."

Hindi ako natatakot sa kung anong sasabihin nila, ang ikinakatakot ko sa lahat ay ang bagsik ng tadhana na nakalaan sa amin ni Zavin.

"Why?"

I pouted. "I fell inlove," I confessed. Bumalatay sa gulat ang kaniyang mukha na halos mamataan ko ang liwanag no'n.

He laughed shockingly. "Wow! Good news pala ang balita mo, anak!"

Makakahinga na ng maluwag. Hindi ako aalis. Dito lang ako.

"Sino naman?"

I shook my head. "I won't tell you, Daddy."

Ngumuso siya. "Basta ipakilala mo sa akin at magtutuos kaming dalawa."

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Paano kung malaman niyang si Zavin iyon?! Shit! Kailangan pa namin ng kaonting panahon at dahan-dahanin ang pag-amin sa relasyon namin.

"Daddy, may practice pa po kami, una na po ako!" hinagkan ko siya at kumaway sa kaniya bago pumasok sa driver ko.

By next year, magkakaroon na ako ng sariling sasakyan. According to Daddy, tuturuan niya raw ako. I am so excited to learn driving. Umangal si Mommy do'n pero ano pa nga bang magagawa nila? Malaki na ako.

Wala nang klase at puro practice na lang kami para sa gaganapin na graduation sa isang linggo. I'm also thrilled going to college. I succeeded! Senior High School was a success for me! In the fourth quarter, I didn't struggle as much as I had anticipated. Even though I occasionally acted like a scoundrel, it only got simplier because I took my studies seriously. Humabol ako sa exam, perfect ang karamihan pero iilan lang ang mali sa iba. Tumaas ako sa recitation dahil nang matapos kaming ma-guidance, sinabi ko sa sarili kong babawi ako at nagawa ko nga.

Sineryoso ko na rin ang Thesis, Reporting at iba pa pero minsan si Zavin ang tumutulong sa akin sa paggawa no'n kaya mas lalo akong tumataas.

"How's my woman?" hinigit niya ang baywang ko at pinatakan ako ng mabilis na halik sa aking pisnge.

I looked away. "F-Fine! Ikaw ba? How's my man?" nangingiting tanong ko.

His lips protruded. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa likod ng aking tainga at bumulong. Ramdam ako ang kaliti sa kaniyang hininga.

"I didn't know you're the type of the girl that could make me so damn inlove," he murmured huskily.

Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng aking puso. Mabilis at nag-uunahan magkumawala. Para bang wala na iyong patutunguhan dahil sa sobrang hulog na hulog ko na. Ganito pala kasaya kapag totoong mahal mo ang isang tao. You can be happy in life if you put the effort enough. But who cares about the grief? I'm crazy for him. I'll go to any lengths to avoid hurting him.

Hidden In The Dusk (Eternity Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now