Chapter 2

9.3K 421 22
                                    

Grid

I stood up and get my coat after I ended the call with my business partner.

I'm going to go to his house para mapag-usapan ang plano ng bawat isa para sa pinapatayo namin. He informed me earlier that he couldn't go here because he was taking care of his wife who has a fever.

Nang makarating sa bahay nila ay agad akong pinagbuksan ng mga guwardiya at pinapasok.

I parked my car on the corner and got out.

"Hey bro." Bati ko kay Josh na business partner ko nang makapasok ako sa bahay niya.

"Hey, I'm sorry kung napapunta kita dito, wala lang talagang mag-aalaga sa asawa ko." Pinaupo ako nito sa sofa.

"Daddy!!!" Sigaw ng tatlong anak ni Josh at nagsiyakap sa mga binti niya. 5 years old palang ang mga ito tulad ng pamangkin ko. Oo triplets sila.

Hinalikan sa noo ni Josh ang mga anak niya at pinaupo sa tapat kong sofa. "Dyan lang muna kayo, kukuha akong juice."

Napangiti ako sa ayos nila. Never kong pinangarap na magkaroon ng anak pero habang padagdag ng padagdag ang edad ko, naiinggit na ako sa mga kaibigan kong may sarili ng pamilya.

"Hi?" Bati ko sa triplets.

Ngumiti sakin ang mga ito, nagulat ako nang lapitan ako ng isa at pilit na umaakyat sa hita ko. Binuhat ko naman ito at agad niya namang niyakap ang mga braso sa leeg ko.

Natawa ako ng mahina nang pugpugin niya ng halik ang mukha ko.

"Daniella Mae." Saway ni Josh sa anak niyang nakalingkis sa leeg ko. Nilapag niya sa table na napapagitnaan ng sofa ang juice na kinuha niya.

Ngumuso naman si Daniella at nagpababa sakin.

Natatawa kong ginulo ang buhok nito.

"Oo nga pala Grid, Have you already collected the papers we need?" He asked as he carried his son and put him on his lap so he can sit on the sofa as well.

I looked at him, confused. "You haven't given me those papers."

Kumunot rin ang noo nito. "I'll just check it later baka mamaya nasa isip ko na naibigay ko yun pala hindi pa." He chuckled.

"Kuya..." Napatingin ako sa hagdan nang may bumaba doon.

Lalaki ito at nagkukusot ng mata habang bumaba sa hagdan.

Nanlaki ang mata ko nang masilayan ang buong mukha niya. Si Jien, yung inagawan ng lollipop ni Jc, ng pamangkin ko.

"O, Jien, come here." Tawag ni Josh.

Nagkukusot parin ng mata na naglakad palapit samin si Jien at umupo siya sa tabi ko.

Hindi niya pa yata ako napapansin.

"Kuyaaa Jien" Sigaw ni Daniella at lumapit kay Jien, tinaas taas nito ang kamay niya na parang nagpapabuhat. Agad namang binuhat ni Jien si Daniella at hinalikan ito sa pisngi.

"Daniella, kakagising lang ng Kuya Jien mo. Ilan beses na kitang pinagsabihan na wag ka basta basta magpapakarga sa bagong gising baka kasi mahulog, ito talaga tong batang to." Napapailing iling na sabi ni Josh.

Natawa naman ako ng mahina. "Kaya pa?"

Tanong ko dito, natawa rin ito ng mahina. "Kakayanin."

Narinig ko ang pagsinghap ng katabi ko. Tumingin ako sa kaniya. Nang magkatinginan kami ay agad siyang yumuko at binaba si Daniella.

"Ah--, k-kuya balik po ako sa kwarto, I'll take a bath po." Paalam nito.

"Kumain ka muna ng meryenda Jien, nakatulog ka ng alas onse dahil late ka na natulog kagabi."

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now