Chapter 20

6K 258 77
                                    

Grid

"Here, yan dito ka." Pagkatapos kong iupo sa mataas na upuan si Jien ay pinisil ko ang mga pisngi nito.

Tatlong linggo na ang lumipas, tuluyan ng nawala ang sakit sa balakang at sa pang-upo niya, nakakapaglakad na rin siya ng maayos pero ayaw niya ng maglakad, masyado siyang nawili sa kakabuhat ko sa kaniya kaya tuwing makikita niya ako ay nagpapabuhat siya.

Tatlong linggo rin akong hindi nakapagtrabaho pero nagsabi sakin si Gino na siya muna ang titingin sa kumpanya at bantayan ko na lamang daw si Jien, ang kapalit daw non ay ang hindi ko pagtuloy sa pagtapos ng pagkakaibigan naming lahat na ikinailing ko na lamang pero pinayagan ko na rin habang sila Shin at ang ang tatlong bugok pa ay laging nasa bahay, nagdadala ng mga pagkain na para daw kay Jien pero karamihan sa mga dinadala nila ay ang paborito ko. Nakikipagkwentuhan sila kay Jien, mostly about sa games.

Ngayong araw ay ang pagbisita namin sa pamilya Herrera pero itong si Jien ay ayaw paawat, kung hindi ko pa siya bubuhatin hindi siya babangon sa kama. Kung hindi ko pa siya susubuan, hindi siya kakain, kung hindi ko pa siya sasamahan sa pagligo ay hindi raw siya maliligo. Masipag lamang siya sa pagdaldal, pagkukuwentuhan sa kanila Phone.

"We'll visit the triplets today." Imporma ko sa kaniya.

Ngumiti ito ng malawak na ikinangiti ko na rin. "Okay po, miss ko na rin sila."

"Then ubusin mo na 'to para makaligo ka na." Abot ko sa kaniya ng isang basong gatas.

"Ikaw po papaligo sakin at magbibihis sakin." Sabi nito at uminom.

"Paliguan mo ang sarili mo ng ikaw lang hmm." Pinisil ko ng mahina ang baba niya. "Ako na ang magbibihis sayo. Maligo ka na ikaw lang."

Sumimangot ito. "But I don't want to. Hindi na po ako maliligo." He said like a spoiled brat.

Pinaseryoso ko ang mukha ko. "Hindi araw-araw nasa bahay ako Jien, paano na lang kapag bumalik na ako sa pagt-trabaho, hindi ka na maliligo ng ilang araw?"

"Wag ka na po magtrabaho, hindi ka naman po nagt-trabaho ngayon e, paliguan mo na lang po ako tulad kahapon. Kung hindi mo po ako papaliguan, hindi na lang po ako maliligo, bihisan mo na lang po ako."

Tinitigan ko ito ng matagal na ikinaiwas niya ng tingin. "You've been acting like spoiled bad kid these past few days, Jien." Seryoso kong turan sa kaniya na ikinatingin niya muli sakin.

Ngumuso ito pero hindi parin nagbago ang seryoso kong mukha. Unti-unti itong napayuko. "M-maliligo na po ako." Mahina nitong sabi.

Hahawakan ko sana siya nang gumalaw siya para bumaba pero mabilis na itong nakatalon at umakyat sa taas ng walang lingon-lingon.

Napailing ako sa inasta nito.

I just want him to help himself, kumilos para sa sarili niya, yung hindi ako kasama. Hindi naman kasi araw-araw nasa tabi niya ako para tulungan siya, gustuhin ko man na lagi siyang nasa tabi ko, hindi naman pwede dahil sino ang bubuhay saming dalawa. Maliit man na bagay iyon pero masasanay siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang marinig ko ang tunog ng doorbell.

Pinapasok ko ang mga kaibigan ko na may dala na naman na mga bagay na alam kong karamihan ay para sakin. The rest ay kay Jien na talaga.

Binuksan ko lang ang pinto para sa kanila pero hindi na ako nagsalita, agad akong tumalikod sa kanila at bumalik sa pagluluto, dinamihan ko na ang mga niluto ko para sa mga kaibigan ko.

Nang matapos ay umakyat ako sa taas para tingnan si Jien. Nasa isip ko na nasa kama pa siya at kakatapos lang maligo pero nadatnan ko siyang nakatingin sa vanity mirror at inaayos ang suot niya. Siya na ang nagbihis sa sarili niya.

Jien Of Grid (M-preg)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora