Chapter 32

5.4K 196 26
                                    

Grid

Tinanguan ko lamang ang mga bodyguard na nagsibati sakin. I walk to the elevator that exclusively for me, nang mapindot ang 3rd floor ay inayos ko ang kwelyo ko nang makitang gusot ito sa salamin. Hinila kasi kanina ni Jien ang kwelyo ko para mahalikan niya ako.

My employees turned their head to my direction and immediately bowed when the elevator opened. Some greeted me a good morning.

Agad na lumapit sakin ang sekretarya ko na kanina lang ay naglalakad papunta sa ibang direksyon.

"You have a meeting with Mrs. Dilema tomorrow at exactly 2 pm in Tashav Restaurant, Sir." Mrs. Lim informed me.

Tashav Restaurant?

Tumango ako dito."I'll go."

Sabay kaming naglakad papunta sa office ko habang nag-uusap.

Nagpaalam ito sakin nang malapit na ako sa opisina.

Habang nakaupo ay pinaglalaruan ko ang ballpen na hawak ko habang inisip ang posibleng sasabihin ni Mrs. Dilema.

Napatingin ako sa gilid ko, sa picture frame nila Jien at Gris. Yes, kung dati si Jien lang, ngayon nandyan na si Gris, nilagay ko rin.

Nakangiti kong kinuha ito at tinitigan.

Wala si Gris kaya sigurado akong nalulungkot mag-isa don si Jien.  

Hinalikan ko muna ito bago binalik kung saan ito nakalagay kanina.

Hapon na ako nakauwi kay Jien, sinamahan ko pa kasi ang kaibigan ni Josh sa abandunadong gusali, balak niya raw bilhin.

"Baby? I'm home!" Malakas kong pagpapaalam nang buksan ko ang pinto.

My lips automatically pursed when I receive no answer.

"Baby..." Nakanguso kong tawag kay Jien na nakaupo sa sahig at may pinapanood ito.

Umupo ako sa sofa na nasa tabi ni Jien at pinagmasdan na lamang siya na may pinapanood sa cellphone nito.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang ihataw hataw niya sa hangin ang braso niya na parang pinapatunog ito.

"What are you doing baby?" Nag-aalala kong sabi.

Tumingin lamang ito sakin ng masama, inikot ikot niya rin ang leeg pagtapos ay dumapa siya sa sahig.

Pinanood ko siyang mag push-up. Pinigil ko ang tawa nang makitang wala pang tatlo ay nanginginig na ang braso ni Jien.

I took my handkerchief out of my pocket and sit beside Jien who's now breathing heavily while lying on his stomach on the floor.

Dahan-dahan ko siyang inupo at pinunasan ang mukha at leeg niyang namawis agad.

"Kaya ko pa po..." Hinihingal niyang sabi at muling dumapa sa sahig.

Bago pa muli niya gawin yun ay binuhat ko na siya at pinaupo sa hita ko.

"Sa susunod naman." Sagot ko dito at hinalikan ito sa labi.

Umiling ito at medyo nilayo ang katawan sakin bago dahan-dahan na tinanggal ang pagkakabotones sa suot ko. Itinuro nito ang abs ko.

"Magkakaganiyan rin po ako. Look po, May guhit na akin. Parang unti-unti na po ako nagkakaabs." Itinaas nito ang sando nito hanggang sa makita ko ang tiyan niya.

Natawa na lamang ako nang makita ang bilbil niya sa tiyan, yun ang tinutukoy niyang guhit.

Tumayo ako habang buhat siya at iniupo siya sa sofa.

"Hindi ganon ang pagpupush up baby, nauuna kasi ang dibdib mo kaysa sa hita mo, dapat magkasabay. It's like this baby, watch me."

Pinakita ko sa kaniya kung paano ang tamang pagpupush up. Habang ginagawa yun ay tumingin ako sa kaniya. "Dapat sabay na baba at aangat ang buong katawan mo."

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now