Chapter 29

6K 248 45
                                    

Grid

"Uhu... Baby Gris. Baby Gris." Pagsasalita ko habang nakangiting nakatingin dito. Hawak-hawak ko ang milk bottle niya habang nadede siya dito.

Nasa bahay na kami. Dalawang linggo ang nakalipas noong umuwi kami ni Jien galing hospital.

Kakagising lamang ni Gris kaya bumaba agad ako para gumawa ng gatas para sa kaniya. Si Jien ay tulog pa rin sa kwarto.

Natigilan ako nang iluwa ni Gris yung teat ng milkbottle niya. Sinubukan ko muling ibalik ito ngunit niluwa niya muli ito. "Ayaw mo na?" Tanong ko dito at inilapag ang bottle niya sa tabi.

Tumitig ako sa mukha nito habang naglilikot siya. Kumurba ang ngiti sa labi ko.

May dalawa na akong Jien.

"Should we wake up your Dada hmm baby Gris?" Napangiti ako nang hulihin niya ang isang daliri ko at mahigpit na kumapit don.

Ibinaba ko ang ulo ko at pinatakan ang maliit niyang kamay na nakakapit sa hintuturo ko.

Binuhat ko ito at maingat na umakyat sa taas para puntahan si Jien.

I put Gris beside Jien and turn my head to kiss Jien's lips.

Umungol lamang si Jien ng nakakunot ang noo na ikinatawa ko ng mahina.

"Baby Jien..." Bulong ko at hinalikan ito sa pisngi.

Umungol muli ito at unti-unting nagmulat. Napatingin ito sa gilid niya.

I smiled when Jien's pat his chest, asking to put Gris on his chest. So I did.

"Good morning baby." Jien greeted to Gris while rubbing his back.

"Good morning too baby." Nangingiti kong bati pabalik kay Jien.

"Si Baby Gris." Sabi nito na ikinatawa ko.

"I'm your baby too." Sagot ko lamang ng nangingiti.

"Big baby." Pagtatama niya.

"You're so adorable baby." Hinalikan ko muli ito sa labi.

"You already feed him?"

Tumango ako. "Ikaw na lang hinihintay ko para sabay tayong kumain."

Sa sala kami kumain ni Jien para mabantayan namin si Gris na nakahiga sa maliit na mattress na pinapatungan ng makapal na kumot.

Inilapit ko ang tinusok kong spam sa labi ni Jien. Agad naman niyang binuksan ang labi at kinain ito bago muling tumingin kay Baby Gris habang nakangiti.

After we finished eating, I immediately carried Baby Gris and started baby talking him.

"Baby." Tawag ko kay Jien na nakahiga sa sofa habang naglalaro sa phone ko.

"Oh?"

"Sayo muna si Baby Gris iihi lang ako."

Agad na tumayo ito at binatawan ang phone.

Hinubad muna nito ang suot niya pang itaas na ikinalunok ko pero lumambot ang tingin ko nang makita ang tahi niya sa ibaba.

"Magdahan-dahan ka baby." I said when he walked recklessly towards us.

Ngumuso lamang ito. "Sorry." At umupo sa tabi ko.

Dahan-dahan na binigay ko sa kaniya si Baby Gris.

Bago ako pumunta ng banyo ay inangat ko muna ang mukha ni Jien at hinalikan ito sa labi.

"You keep looking at my chest baby. I can't breastfeed you walang gatas si Dada e." Kausap ni Jien kay Gris nang makalabas ako mula sa banyo.

"You look like me baby. Gusto ko sana si Grid ang maging kamukha mo para dalawa na ang Grid ko pero ayos lang tayong dalawa naman ang Jien." Nakangiting dagdag nito at pinindot ng marahan ang baba ni Gris.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now