Chapter 25

5.1K 256 52
                                    

Grid

Nagtama ang mata namin ni Jien sa pang-lima niyang pagsulyap sakin. Kanina pa siya tingin nang tingin sakin habang sinusubukang basagin yung itlog.

Agad siyang umiwas ng tingin at kunwari ay busy sa pagbasag ng itlog na kahit ni isa ay wala pa siyang nababasag.

Nangingiti kong nilapitan ito at niyakap siya mula sa likod.

Agad naman siyang napatigil sa ginagawa.

"Baby last favor na lang pwede?" Nakangiti kong bulong sa tainga niya, hindi sinasadyang dumausdos ang kamay ko sa tiyan niya. Natawa ako ng mahina nang maramdaman sa kamay ko ang bilbil niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at akmang aalisin sa tiyan ko nang itaas ko na lamang ito sa dibdib niya.

"Pwede ba baby?" Tanong ko muli at hinalikan siya sa tainga.

"What is it?" Mahina niyang sabi.

"Pag nagugutom ka, sabihin mo sakin. Okay lang kung hindi mo ko kausapin nang matagal, pero sabihin mo sakin gusto mong kainin para mailuto ko para sayo, napapansin ko kasi na parang oras-oras nagugutom ka." Natawa ako nang mas lalo itong yumuko. "Pero wala namang problema don, gusto ko pa nga na mas lalong tumaba ka, ang sarap mo pisil pisilin."

"Mas gusto ko payat ako." Mahina niya muling sabi.

"Okay lang sakin, mas uunahin ko kagustuhan mo kaysa sa kagustuhan ko."

Hindi na muli siyang nagsalita.

"Ano pala gusto mong lutuin ko?" Tanong ko at inalis na ang pagkakayakap sa kaniya bago siya pinaharap sakin.

"M-marami akong gustong kainin." Umiwas ito ng tingin. "Hindi pa kasi ako nakakain kahapon."

Biglang akong nairita na ikinakunot ng noo ko. "What? You're saying that the last time you ate was yesterday morning?"

Nakayukong tumango ito.

"Bakit hindi mo sakin sinabi kagabi? Saka si Nay Rita hindi ka ba niya dinalhan?" I asked irritatedly.

"Dinalhan pero hindi ako kumain, ayaw kong bumangon sa kama kahapon."

"Is it because of me? I shouldn't hav----"

Natigil ako sa pagsasalita nang umalis siya sa harapan ko at naglakad papasok sa kusina.

Bumuga ako ng hangin. "Alright. Dadamihan ko ng luto. Ano pala gusto mong lutuin ko?" Malakas ang boses na sabi ko dahil nasa kusina ito.

Agad na lumabas ito at pumunta sa sala.

Napangiti ako dahil kahit wala man emosyon ang mukha niya ay makikita mo sa bilis ng paglalakad niya palapit sakin ang pagka excite niya. May pinipindot ito sa cellphone habang naglalakad.

Nang makalapit ay nilapit niya rin sakin ang cellphone.

I held his waist to move him more close to me.

"Ito, ito, ito, saka ito tapos ito po." Pagturo niya sakin habang siniswipe ang phone niya. "I saved it to my Gallery, just swipe it po."

Napatingin siya sakin dahil sa biglang pagtitig ko sa kaniya.

Ngumiti ako sa kaniya. "I miss you saying 'po'."

Umiwas ito ng tingin. "Sinakto ko yung mga kakailanganin dyan na meron tayo." Sabi na lamang niya at mabilis na naglakad papunta sa sala na ikinatawa ko.

Napailing na lamang ako at sinimulan ng magluto.

Nakatingin ako ngayon kay Jien na kumakain. Ang lakas at ang bilis niya kumain.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now