Chapter 35

5.4K 184 50
                                    

Jien

"Grid!" Inis kong sigaw habang ginagala ang paningin sa bahay.

Kakarating ko lang galing kay Dra. Macario at nadatnan kong sobrang gulo ng bahay. Nagkalat yung mga chocolates at prutas sa sahig.

"B-baby." Mabilis na tumayo si Grid mula sa pagkakaupo, kalaro nito si Gris. Nakadapa pa ito habang nakahawak ng fake shotgun na umiilaw pa at nakatutok ito sa anak namin na sobrang lakas ng tawa habang nakatingin sa ama.

"Dada!" Tuwang tuwa na tawag ni Gris sakin at tumayo, naglakad ito palapit sa akin habang binabalanse ang katawan na wag matumba. Napapikit ako nang makitang puno ang katawan nito ng harina. Ginawang pulbo nito ang harina.

Agad na tumakbo ako sa kaniya nang makitang matutumba siya dahil sa nakakalat na harina sa sahig. Binuhat ko ito, kinuha ko ang panyo sa likod ko at pinunasan ang mukha nito.

"Dada lab lab!" Ngumiti ito sakin na nakapagpalambot ng puso ko.

"I love you more, son." Nang mapunasan ay hinubad ko ang mga damit nito.

Napansin ko ang pagtayo ni Grid at handa nang umakyat sa hagdan nang masamang nilingon ko siya na nakapagpatigil sa kaniya. "Try to go upstairs, I'll make you clean our house again. I'm telling you Grid, one more step, hello rooms, kitchen, garage, swimming pool." Pagbabanta ko sa kaniya at binuhat muli si Gris.

Napakamot ito sa batok at lumapit sa amin. Iniwas ko ang mukha ko nang akmang hahalikan ako nito sa labi pero tanyag itong mapilit kaya mariin na nahalikan ako nito nang sapuin niya ang baba ko pero agad na napalayo ito sakin nang makatanggap siya ng hampas mula kay Gris.

"I'm sorry baby. You see, nagkatuwaan lang kami ni Gris kaya nagkaganto. Hindi na mauulit hmm." Pinadapo nito ang kamay sa pang-upo ko at pasimpleng pinisil iyon.

"Nagkatuwaan? You let your son play with the flour? Can't you see his body full of flour earlier? Paano kung mapunta po yun sa mata niya? O kaya madulas po siya?" I tapped his hand away from my butt.

"Inaabot niya kasi baby yung harina, hindi naman ako papayag but he showed me his tearful eyes baby. You know that's one of my weakness."

"Paano kung madulas siya? Ikaw naman ang iiyak habang dinadala mo siya sa hospital, napuwing nga lang siya e tumawag ka na ng doctor."

Agad na umiwas ito ng tingin nang masabi ko yun.

Dinampot ko ang mga hinubarang damit ni Gris at akmang maglalakad na palayo nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso nito sa bewang ko. "Sorry na hmm? Hindi na mauulit. I love you." Pinatakan ako nito ng halik sa tuktok ng ulo ko.

Agad na lumayo ako sa kaniya na ikinasimangot niya na ng tuluyan. "Maglalaro na lang kayo pati mga pagkain dapat nakakalat pa, linisin mo yan! Dapat walang matitirang tunaw na chocolates sa gilid-gilid ha." I said as I continued walking up to the stairs.

Nang makapasok sa kwarto ay pinaliguan ko si Gris at binihisan ito.

Nakaupo ito sa kama habang sinusuot ko sa kaniya ang damit, nakatingin siya sa tiyan ko.

"Yes baby?" I asked as I pinched his chin.

Matagal itong tumitig sa tiyan ko kaya napatingin rin ako don bago muling binalik sa kaniya ang tingin. "What is it baby?"

Nagulat ako nang tumawa ito at lumapit sakin bago sinubsob ang mukha sa tiyan ko.

I bit my lips while looking at him. "You're excited to meet your sibling?" Nakangiti kong tanong dito at binuhat siya.

Napadaing ako nang sinubsob niya mukha niya sa mukha ko at sinakop ang ilong ko gamit ang bibig niyang may maliliit ng ngipin.

Natatawa kong nilayo ito sa mukha ko.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now