Chapter 10

5.4K 257 32
                                    

Grid

I woke up without Jien by my side. I get up and walk straight into bathroom.

Maaga sigurong nagising si Jien or sinadya niyang gumising ng mas maaga sakin? Mabilis akong bumaba dahil alam kong hindi pa nakakapag almusal si Jien dahil tuwing umaga ay ako ang nagluluto bago pumuntang kumpanya.

Nadatnan ko si Jien na nakaupo sa sofa habang nakasandal patingala ang ulo niya sa sandalan ng sofa. Nakapikit ito habang nakahawak sa tiyan.

Hindi ko muna ito pinuntahan at diretsong nagluto ng breakfast naming dalawa.

Nang matapos ay lumapit muli ako kay Jien. Tinitigan ko muna ito bago ko nilapat ang labi ko sa labi niya.

"Jien, wake up, kain na." Bulong ko dito.

Dahan-dahan naman itong nagmulat.

Tumingin ito sakin. Ngumiti lamang ako dito. "Let's have a breakfast, Jien."

Hindi ako nito pinansin at diretso lang na umupo at nagsimulang kumain.

Nang matapos siya ay iniwan niya agad ako sa hapagkainan na ikinawala ko sa mood.

Nang matapos kumain ay niligpit ko ang mga ito at agad na pinuntahan si Jien na nagsusulat.

Umupo ako sa tabi nito. He looked at me before returning to writing.

"Jien." I called.

He didn't answer.

"Jien please..." I said softly.

He still didn't answer.

"Jien, please talk to me. Forgive me please."

Tumingin lang ulit siya sakin bago bumalik sa pagsusulat.

Hinawakan ko ang balikat nito at pinaharap siya sakin. "Jien, do you want to come with me? We'll go buy groceries then to your Ate May's house?"

Yes, that's right. Hindi muna ako papasok.

I smiled when he gave me his full attention.

"Come with me hmm? We'll visit your Kuya, Ate and the triplets."

But my smile disappeared when he just turned his back on me.

Napanguso ako. Mas lalo pa akong lumapit sa likod niya at niyakap siya mula sa likod habang nakaupo parin kaming dalawa sa lapag.

I buried my face on his nape as my tears started to fall.

"J-jien, s-sorry please..."

Agad siyang lumingon sakin. Inalis ko ang mga kamay ko sa kaniya at pinahid ang mga luha ko.

Humarap ito sakin at hinawakan ang mukha ko.

"Y-you're crying po."

I nodded as I wiped my tears. "Yes, forgive me please? Talk to me Jien."

Napatingin ako sa kaniya nang huminga siya ng malalim. Ako naman ngayon ang nataranta nang makitang namumuo ang mga luha sa mata niya.

"G-gusto ko na lang pong bumalik sa bahay nila Ate May."

Doon ako nagulat. "J-jien, what do you mean? You will leave me?"

Hindi ako nito sinagot at yumuko na lamang.

"I thought you won't leave me Jien kasi wala akong kasama dito?"

Hindi ulit ito sumagot.

Kinagat ko ang labi bago muling nagsalita. "Do you really want to go back to your Ate's house, Jien? Answer me please." Pinahid ko ang natitirang luha sa mga mata ko gamit ang hintuturo ko.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now