Chapter 23

5.4K 263 69
                                    

Grid

Magkaharap kaming nakaupo ngayon ni Jien sa sofa. Nasa gitna namin ang maliit na lamesa na ito kung saan pinapatungan niya ng kinakain niyang ngayong mansanas.

Nang makita ako kanina ni Jien na nakatingin sa kaniya ay malungkot siyang nakangiti na tumalikod samin. Doon ako natauhan at agad na tinulak ng malakas si Shanaiah dahilan narin para mauntog siya sa hood ng sasakyan ko.

"F*ck." Daing niya.

"Again, leave Shanaiah." Galit ko ng utos dito.

"Hindi mo muna ba ako papapasukin sa bahay mo?"

"Never." Sagot ko at hinawakan siya sa braso at hinila papunta sa sasakyan niyang nakapasok na sa gate.

Pinapasok ko siya sa passenger seat at pumasok naman ako sa driver seat na ikinangiti niya.

Inatras ko ang sasakyan niya palabas ng gate. Nang buo ng nailabas ko ang sasakyan niya saka ako lumabas ng kotse niya at dumiretso papasok sa gate at agad na sinarado ito.

Pumasok ako sa kotse ko at pinark ito sa garahe at mabilisang pumasok sa loob ng bahay ko.

"Jien..." Mahina kong tawag sa kaniya.

"Yes po?" Sagot niya at kumagat ng mansanas habang nakatutok ang mata sa TV.

"Talk to me please..."

Kunot noong lumingon ito sakin. "I'm talking to you po."

"Then don't be mad at me." Masuyo kong sabi sa kaniya.

Hindi ito nagsalita at tumutok muli sa pinapanood.

Nang buto na lang ang natira sa mansanas na kinakain niya ay napanguso siya. "Wala na."

Tumayo ito at akmang pupunta sa kusina nang hilahin ko siya paupo sa hita ko.

Ipinalibot ko ang kamay ko sa tiyan at mas lalo siyang dinikit sakin.

Hinalikan ko siya sa batok. "Baby, don't be mad at me please. I didn't kiss her, siya yung humalik sakin, at tinulak ko naman siya agad."

"I know po." Sagot niya.

"Don't ignore me baby please."

Hinawakan niya ang kamay ko at inalis sa tiyan na ikinataranta ko pero agad akong kumalma nang umikot siya paharap sakin.

He stared at me that made me gulp in nervousness.

"She kissed you po e, dumikit na ang labi niya sayo. A-and I, I..." Namula ang mata niya habang nauutal siya. "I d-don't know po but a-ang sakit po dito." Garalgal ang boses niyang sabi habang nakahawak sa dibdib niya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalik-halikan ang ulo niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti imbes na malungkot rin dahil sa pag-iyak niya. I feel loved everytime he's jealous.

"I'm sorry Jien, mag-iingat na talaga ako, at kapag may kausap akong babae lalayo na agad ako hmm, stop crying now baby please, it hurts me seeing you cry."

Hinawakan ko ito sa pisngi at pinunasan ang mga luha niya.

"G-Gusto ko po ako lang po humahalik sayo." He said while sniffing that made me smile.

"Then I'll never let someone kiss me again unless it's you." I assured.

"You want to kiss me now? Para mabura na ang halik niya sakin."

Tumitig muna ito sa labi ko. Nagtaka ako nang tumayo siya at hinila ako papuntang bathroom. Pinaupo niya ako sa sink at kinuha ang maliit na baso at nilagyan ito ng tubig. Binasa niya ang daliri niya at dinikit ito sa labi ko at hinagod hagod ito. Kumunot ang noo ko nang kunin niya ang shampoo at naglagay sa daliri niya pagkatapos ay hinagod hagod niya ito sa labi ko at hinugasan niya ulit ng tubig ang labi ko. Akala ko tapos na pero kinuha niya ang toothpaste at naglagay sa daliri niya at hinagod hagod rin ito sa labi ko pagkatapos ay binasa niya ang labi ko at hinugasan.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now