Chapter 24

4.6K 242 25
                                    

Grid

"Come here baby, Let me dry your hair." Nakangiti kong sabi kay Jien na kakaligo lang. Maaga siyang nagising at agad naligo.

Pinakita ko sa kaniya yung towel.

"Ako na." Lumapit ito sakin at dahan-dahan na kinuha yung towel pero mahigpit ang kapit ko dito kaya napatingin siya sakin.

"May I?" Seryoso kong sabi dito.

Lumunok ito at agad na umiwas ng tingin. "I can do it alone." Sagot niya.

Hinila ko yung towel ng malakas kaya sumubsob siya sa dibdib ko dahil hawak niya ang kabilang dulo ng towel.

I started to dry his hair pero agad na natigil yun nang tumayo siya. "Magbibihis na ako. I'll just wait for it to get dry."

Naglakad ito papunta sa closet.

Naikuyom ko na lang ang kamay ko at pumikit.

Bumuga na lamang ako ng hangin at tumayo na. Bumaba ako at nagsimula na ihanda ang almusal namin ni Jien. Nakapagluto na ako noong naliligo pa si Jien.

Napatingin ako kay Jien na naglalakad palapit sakin. Iikot sana ito para sa tapat ko umupo pero agad kong inikot ang braso ko sa bewang niya at malakas na na inupo siya sa hita ko.

"Kaya ko na kumain mag-isa." Tatayo sana ito nang higpitan ko ang pagkakapit sa bewang niya at mas lalo siyang idiniin sakin.

Kumuha ako ng isang kutsarang sinangan na kanin at ulam bago nilapit ito sa bibig niya.

"Kaya ko na." He insisted.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso at mas nilapit pa sa bibig niya ang kutsara.

Napalunok ito bago dahan-dahan na binuksan ang bibig niya.

Tahimik ko lang itong sinusubuan, paminsan ay kumakain rin ako kapag ngumunguya pa siya.

Nang matapos ay agad siyang tumayo at lumabas ng dining area.

Naiiling kong niligpit ang pinagkainan namin.

Nagbabalak akong pumunta ng office pero nag-aalala ako kay Jien dahil kapag may gusto siyang kainin, hindi siya nagpapatulong sa iba kahit na kay Nay Rita hindi siya humihingi ng tulong, minsan na nga lang rin niya kausapin ito kapag may itatanong si Nay Rita. Hindi pa naman siya masyado marunong magluto.

Umakyat ako sa taas nang makitang wala doon si Jien.

Napatigil ako sa labas ng pinto ng kwarto namin nang marinig ko si Jien na nagsasalita.

"Yes po Kuya Josh."

"Ayos lang po ako."

"Po?"

"Kuya, where's Ate May?"

"Ahh"

"Ate May..."

"Pwede bang bumalik na lang ako dyan?"

"Ahh wala po, wala po."

"Sige po, sige po salamat po."

Nang matapos magsalita si Jien ay saka ko binuksan ang pinto. Agad na napatingin sakin si Jien pero agad na inalis nito ang tingin sakin.

Umupo ako sa dulo ng kama at nakayukong ipinatong ang mga siko ko sa magkabilaang hita ko.

"Jien, can we talk about us?" I asked while still looking down. "Pwede mo bang ipaalam sakin kung anong nagawa kong mali bakit naging ganto tayo?"

Nilingon ko ito para lang magalit dahil parang walang pakealam itong nakaupo at naglalaro sa cellphone.

Sa galit ko ay hinablot ko ang cellphone niya at inihagis ito.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now