Chapter 22

5.4K 231 57
                                    

Grid

Pagkababang-pagkababa ko ay naabutan kong naghahabulan si Gino at Jien.

Jealousy is eating me, I took a deep breath before walking to them.

"Nasakin naman po keychain mo bleh!" Sigaw ni Jien habang nasa kabilang banda ng sofa.

Agad na nanlaki ang mata ni Gino na nasa kabilang banda rin ng sofa.

"Phew nakuha mo ko don ah." Buga ni Gino ng hangin.

Tumawa lang si Jien at nagsimula nang tumakbo nang siya naman ang habulin ni Gino. Nagpaikot ikot lang sila sa sofa.

"Ayaw na, ayaw na, rest muna ako, ang sakit ng tiyan ko." Hinihingal at nakangusong sabi ni Jien.

Ngumisi lang si Gino. "Na-ah."

"Please Kuya Gino." Nakangusong nagmamakaawa si Jien habang paatras nang paatras dahil palapit nang palapit si Gino.

Napatigil naman kaagad si Gino sa paglapit kay Jien at napatitig na lamang sa mukha niya.

Agad na kumunot ang noo ko at sinigawan ito. "Don't fucking stare at him like that Gino!"

Natauhan ito at napatingin sakin, lumunok ito at umiwas ng tumingin. "Nacute-an lang ako, may mali ba don tss." Sagot ni Gino.

"Wag mong hintayin na maban ka rin sa bahay ko tulad ni Phone." Nagbabanta kong sabi kay Gino na ikinaikot niya lang ng mata sakin.

"Oo na." Naiiling niyang sabi.

"Wag mo na siya habulin, pagod yung tao. Bigay mo na lang yung remote kay Jien nang makuha mo rin ang keychain mo." Sita ko ulit dito.

"And Jien, aalis na ako. May bibilhin ako." Kausap ko naman kay Jien na nakaupo at nakahawak sa tiyan. "At wag ka na tumakbo, lalong sasakit ang tiyan mo okay?"

Agad na naglakad ito palapit sakin. "Sama po ako Grid."

Umiling ako at niyakap siya gamit ang isang kamay bago lumayo rin at ginulo na lamang ang buhok nito. "Saglit lang ako, may bibilhin lang ako."

"Okay po, bilisan mo po ah yayakap po ako sayo mamaya."

Ngumiti ako at hinalikan ito sa noo. "Sige."

Tumingin ako sa kanila Shin at Mark. "Take care of him." Umingos lamang ang mga ito sakin.

Tuluyan na akong lumabas at pumasok sa kotse.

"Ano kaya dito?" Mahina kong sabi habang tinitingnan ang mga bulaklak.

Pumipili ako ng magandang bulaklak na magugustuhan ni Jien.

"Tingin niyo po, ano po yung pinakamagandang bulaklak niyo na kahit lalaki ay magugustuhan." Tanong ko sa saleslady na nasa tabi ko.

"Sa lalaki, dito po Sir." Kinuha nito ang isang bulaklak na may wrapper na kulay pink. "Mga kumukuha po samin ng ganiyan ay mga babae para sa daw sa boyfriend nila."

E? I thought lalaki lang ang nagbibigay ng bulaklak sa babae.

Nakuha ng atensyon ko ang isang bulaklak na nasa gilid. "Paabot non."

Agad na ibinigay sakin ito ng saleslady. "Daisy flower po, ayos rin po yan dahil ang plain niya tingnan, karamihan sa lalaki ay ayaw ng mga makukulay. Pwede ko bang maitanong kung para kanino po ba? Sa kapatid niyo po bang lalaki?"

I tsked nang maisip ko si Kuya, as if bibigyan ko yon.

Ngumiti ako sa saleslady na ikinapula ng pisngi niya. "Para sa asawa ko po." Sagot ko sa tanong niya.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now