Chapter 27

6.2K 255 35
                                    

Grid

Habang nag-uusap kami nila Alvin at Mark dito sa baba ay may nginuso si Mark sa hagdan.

Tumingin ako sa tinuro niya at agad na naglakad paakyat ng hagdan para buhatin si Jien na bumababa sa hagdan.

"I told you baby, call me whenever you want to come down." Mahinahon kong sabi.

Hindi ito sumagot bagkus ay tumitig lang sakin habang bumababa kami.

"Fried chicken..." Mahina niyang sabi.

Ibinaba ko siya paupo sa sofa at nginitian. "Sakto nagluto ako ng fried chicken. Wait, ihahanda ko lang mga kakainin mo."

Nang matapos ako sa paghahanda ay lumabas ako sa dining room at pinuntahan si Jien.

"Grid owns Supheres Company right?" Napatigil ako sa pwesto ko nang marinig ko ang tanong na yon ni Jien.

"Yes." Si Alvin na napapakamot pa sa ulo.

Tumango si Jien at hindi na nagsalita pa

Naglakad na ako palapit sa kaniya at binuhat siya.

"I can walk Grid." Mahina niyang sabi.

"But I wanna carry you, Just let me baby." Malambing kong sagot.

Nang makarating kami sa dining area ay inupo ko ito ng dahan-dahan.

"You're just afraid, I might slip." Sagot niya na nakapagpatawa sakin.

"That and also I don't want you to do anything. Kung pwede nga lang ako na magsubo sayo e." Pagkatapos kong sabihin yon ay napatitig ako sa labi niya.

"Ang alam ko mas delikado daw kapag walang ginagawa ang buntis." Sagot niya.

Dinilaan ko ang labi ko at hindi na nakapagpigil na halikan siya.

Hinawakan ko ang batok niya at mas lalong pinalaliman pa ang paghalik ko sa kaniya.

Napalayo ako nang itulak niya ako ng mahina dahil sa pag ubo ni Alvin.

Tumingin ako ng masama kay Alvin na nakaupo na.

"Wag kang kumain." Inis kong sabi dito.

Tumawa naman si Mark at tinapik tapik sa likod si Alvin.

"Gutom ako." Angal ni Alvin.

Napatingin ako kay Jien nang hawakan niya ako sa braso. "Feed me." Mahina niyang sabi.

Agad akong napangiti at umupo sa tabi niya na nakapagpailing sa kanila Mark at Alvin.

"You're always here. Paano na ang kumpanya mo?" Tanong ni Jien habang ngumunguya.

Inalis ko sa gilid ng labi niya ang isang butil ng kanin at sinubuan muli siya.

"It can survive baby."

"How? Did you ask Gino again to look after your company?"

Hindi ako nakapagpigil muli at pinatakan ng halik ang mamantika niyang labi.

"No. He has lots of problem to handle as of now, I don't wanna bother him. Don't worry baby, nagawan ko na ng paraan yon. Dito na ako sa bahay magtatrabaho para mabantayan kita. Pupunta na lang dito ang secretary ko para ibigay ang mga papeles na kailangan kong pirmahan."

Napatitig ako sa kaniya nang kunin niya ang kutsara sa kamay ko at nagpatuloy na siyang kumain.

"Kaya ko ang sarili ko. Promise mag-iingat ako palagi para hindi ka na mag-alala."

Hindi na ako nagsalita kahit na may gusto pa akong sabihin.

NGINITIAN ko si May nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now