Chapter 26

5.2K 281 94
                                    

Grid

"Grid!" Natauhan ako sa sigaw ni Josh.

Agad akong napatakbo kay Jien na nakaunan sa hita ni Daniella. Mabuti na lang noong bumagsak si Jien ay nasa gilid niya si Daniella at naglalakad, sa balikat ni Daniella bumagsak ang ulo ni Jien kaya napaigik si Daniella pero agad nitong hinawakan ang ulo ni Jien at dahil siguro sa bigat ni Jien sabay silang natumba sa lapag. Buti na lamang ay agad naalalayan ni Daniella ang ulo ni Jien at napaunan uto sa hita nito.

Mabilis kong binuhat si Jien at pawis na naglakad palapit sa kotse ko.

Naramdaman ko sa likod ang mag-asawa. Pumasok ako sa back seat, agad na kinuha sakin ni Josh ang susi nang makaupo siya sa driver seat at si May naman sa passenger seat.

"Ano bang nangyari? Bakit siya nahimatay? Kumain muna ba kayo bago pumunta dito Grid?" Umiiyak na tanong sakin ni May.

Hindi ko ito nasagot dahil na kay Jien lamang ang atensyon ko.

Nag-iinit ang mata ko na tumitig sa mukha ni Jien.

Binaon ko ang mukha ko sa leeg ni Jien kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Wag mo ako pakabahin baby." Mahina kong sabi at pinatakan ng halik ang leeg niya. "Dapat pala hindi ko na hinayaan na tumayo ka."

"Kukunin ko na ulit si Jien." Seryosong sabi ni Josh habang nagmamaneho ito habang si May ay patuloy na lumuluha habang nakalingon samin at nakatingin kay Jien.

Tumingin sakin si May. "I won't forgive you Grid kapag may nangyaring masama sa kapatid ko. Una palang sinabihan na kita."

Nakaupo ako sa ngayon sa labas ng private room na kinalalagyan ni Jien at nakatulala.

My mind can't absorb what the doctor said about Jien's condition.

"Your brother is pregnant for more than three months Mr. Herrera. This is the first time we've encountered such circumstance like this that's why we've checked it many times." The Doctor said.

Hindi makapaniwalang nagkatinginan kaming tatlo ng mag-asawang Herrera sa sinabi ng Doctor.

"H-how?" Nauutal na tanong ni Josh.

"It is a rare case Mr. Herrera, we even contacted a few hospitals to report it, they said yes that they have encountered this kind of cases. This happen once or twice a year. It is called Hermaphroditism where your brother have two reproductive organs."

Dahil sa sinabing yon ng Doctor ay nanginig ang tuhod ko at muntikan nang mapaluhod sa lapag kung hindi lang ako naalalayan ng mga nurse. Pinaupo nila ako sa upuan na nasa tabi nang natutulog na si Jien. Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa mukha niya.

"I know Mr. Herrera that you're not aware about your brother's condition, umabot kayo ng tatlong buwan bago niyo dalhin dito ang kapatid mo. Hindi niyo pa yata dadalhin ang kapatid niyo sa hospital kung hindi pa siya hinimatay" Ngumiti ang Doctor. "Alam kong hindi kayo makapaniwala sa kalagayan ng kapatid niyo pero ilang beses na namin itong nakumpirma at pwede na nyo ring ipa-ultrasound ang kapatid niyo dahil lampas tatlong buwan na siyang buntis."

My baby...

And my another baby...

Hindi ko napansin na dumating ang mga kaibigan ko kung hindi pa ako tinapik ni Yeji. Isa siya sa mga kaibigan ko na may asawa na.

Inangat ko ang tingin at tuyo't na ngumiti nang makita ko ang lahat ng mga kaibigan ko. Siyam silang lahat na nandito.

"P*tangina, akala ko ba si Grid ang naiadmit sa hospital, Phone?" Binatukan ni Cell ang kakambal niyang si Phone.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now