Chapter 3

7.3K 398 82
                                    

Grid

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin.

"Okay na kaya to?" Sinuklay ko ang buhok ko paitaas.

Ngayon lang ako na-conscious sa kung anong magiging itsura ko. Birthday na kasi ngayon ni Jien, hindi na ako magcecelebrate bukas ng birthday ko, ngayon na lang tutal ay birthday rin naman ni Jien, i mean hindi naman talaga ako nagcecelebrate ng birthday ko.

Bumuga ako ng hangin at lumabas na sa opisina. All my employees had their head bowed as I walked in front of them.

Sumakay ako sa kotse at one last time ay tumingin ako sa salamin.

I arrived at Mr. Herrera's house at 7 pm.

Walang katao tao dahil sila rin lang namang isang pamilya ang magcecelebrate ng birthday ni Jien, kasama na rin pala ako.

"Grid." Nakangiting bati sakin ni Josh.

Napatingin naman sakin ang mga bata pati na si Jien kasama na ang misis ni Josh. Ito yung tinatawag na Ate May ni Jien.

Nanlaki ang mata nito nang mapatingin sakin. Ngumiti lamang ako dito.

Pinaupo ako ni Josh sa upuan na tabi ni Jien na nanlalaki ang mata ring nakatingin sakin.

"Hon, he's Grid Supheres, my business partner, Grid, my misis." Pakilala nito samin.

Nakangiti kong inilahad ang kamay ko dito. "I'm sorry for what happend few weeks ago."

Nagtatakang napatingin samin si Josh. "Magkakilala kayo?" Tanong nito.

"Ah, yes bro, nandon siya noong umiyak ang pamangkin ko at si Jien, yung kinwento ko sayo." Napatango tango naman si Josh.

Tinanggap ni Mrs. Herrera ang kamay ko at ngumiti sakin. "It's okay."

Lumingon ako kay Jien na nakatitig sakin. "Happy birthday." Bati ko dito at ngumiti ng malawak.

Yumuko ito. "T-thank you po."

Inangat ko ang kamay ko para hawakan siya pero agad ko ring napigilan ang sarili ko.

"Welcome, here's my gift for you." Nanlalaki ang mata niyang tumingin sa hawak ko.

Hindi ko na napigilan na pisilin ang pisngi niya ng mahina. Damn his cute face.

"I, i have a gift from you?" Nauutal nitong sabi na ikinangiti ko.

"Yes, here." Inabot ko sa kaniya ang gift ko na excited niya namang kinuha agad.

Mga ilang minutong pag-uusap ay napagpasyahan na naming kantahan si Jien.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday, happy birthday to Jien." Kanta naming lahat.

Napapalakpak naman si Jien na sinamahan ng triplets na ikinangiti ko.

"Blow the candles na po Kuya." Excited na sabi ng anak na lalaki ni Josh.

"Magwiwish muna si Jien, Gecko." Natatawang sabi ni Mrs. Herrera isa niyang anak na lalaki.

Pumikit agad si Jien at nagwish ito. Napatitig ako sa kaniya habang nakapikit siya. Nang dumilat muli siya ay napatitig ulit ako mata niya.

Inihipan niya na ang candles.

"Anong winish mo Kuya?" Tanong ni Daniella.

"Ayaw." Umiling iling si Jien.

Napanguso naman si Daniella kaya agad na sinabi ni Jien ang wish niya na ikinatawa namin nila Mr. and Mrs. Herrera.

"Ang wish ko, sana laging ganto kasaya Birthday ko at saka..." Napatingin siya sakin. "Wag na!" Ngumiti na lamang ito samin.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now