Chapter 21

5.9K 253 67
                                    

Grid

Nang makaupo sa sofa nila Kuya Dred ay nilibot ko ang paningin sa bahay nila. Mas lalo itong gumanda.

"Doon tayo sa likod, sa garden mahangin don." Sabi ni Kuya.

Kumaway ako nang dumaan ang asawa ni Kuya Dred na si Ate Leigh.

Ngumiti ito sakin at kumaway pabalik. "Magluluto ako, don muna kayo sa likod."

Tumango ako sa kaniya at tumayo bago naglakad papunta sa garden. Nagulat ako nang makita ko sila JC at Gian na magkasama. Naglalaro sila ng pinagpatong- patong na paper cup at nakaupo sila sa sahig.

Akala ko bati na ang dalawa not until makita ko na simaan ng tingin ni JC si Gian. "Kanina ka pa! Why don't you just go home? Ayaw nga kitang kalaro e!" Sigaw ni JC.

Hindi siya tiningnan ni Gian bagkus ay nagpatuloy ito sa pagpatong ng mga paper cup. "My brother and sister aren't there, wala akong kalaro." Sagot lamang nito sa pamangkin ko.

Dumiretso ako sa may lamesa at umupo sa isang upuan don.

"Mom wants you to visit her and Dad tomorrow." Sabi ni Kuya ng makaupo rin.

"Yeah she messaged me." Sagot ko at uminom sa juice na dinala ni Kuya.

"Kailan huling bisita mo sa kanila?"

"A month ago." I answered. Tumahimik muna ako saglit bago muling nagsalita. "Kuya, I'm dating someone now."

He chuckled. "I know. It's obvious brother. Minsan ka na lang mapabisita sa kanila Mom and Dad pati na rin sakin. And also you never ask someone to handle your company tho nabalitaan ko na lang na pinabantay mo yun kay Gino."

I chuckled as well. "That obvious?"

"Yeah so care to share who is she?"

"No, it's not a she."

Kumunot ang noo nito. "Huh? What do you mean?"

"It's a he. That someone I'm dating is a guy, Kuya."

Napatitig ito sakin bago tumayo. "Wait, I'm just gonna get something." Tumango na lamang ako dito.

Napatingin ako kay JC na tahimik na muling pinagpapatong-patong ang paper cup. Nang biglang masira niya ay napasimangot siya at masamang tumingin kay Gian na parang si Gian ang may kasalanan bakit ito nagsitumbahan.

"Wag ka na sumali, ako yung nahihirapan, paulit ulit na lang e." Naiinis na sabi ni JC. "Ayaw mo akong makalaro diba bakit ka  nandito? Umalis ka na! Ayaw ko ring kalaro ka."

Tumingin lamang si Gian sa kaniya at ngumuso. "I wanna play with you. I just don't want my brother to be sad."

"That's why you pushed me? Did Gecko become happy when you pushed me?"

Parang matatanda itong nag-aaway.

Nagulat ako nang itulak ni JC si Gian. "I don't wanna play with you anymore, I want to play alone. Wag ka na sumali!"

Namula ang mata ni Gian na parang iiyak na pero hindi nito pinansin si JC, nagpatuloy lamang ito sa pagpatong ng paper cup hanggang sa tumaas iyon.

Tumahimik muli si JC at tinulungan na sa pagpatong ng mga baso si Gian. Nang hindi sinasadyang masagi ni Gian ang paper cup na mataas na ay agad na nagalit si JC at tinulak si Gian palayo sa paper cup.

Tuluyan ng umiyak si Gian habang nakayuko.

Napailing ako at agad na sinita si JC. "Stop pushing Gian, JC."

Hindi ako pinakinggan ni JC bagkus ay tumingin muli ito ng masama kay Gian. "Stop crying, pagpatong-patungin mo ulit yan, ikaw naman nagsira e!"

Pero patuloy lamang sa pag-iyak si Gian na ikinainis lalo ni JC. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni JC, Kinuha niya ang karton ng washing machine at itinaklob kay Gian, ikinulong niya doon si Gian kasama na ang paper cups na nagpalakas lalo ng iyak ni Gian.

Jien Of Grid (M-preg)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang