Chapter 33

5.1K 247 100
                                    

Jien

Agad na tumingin ako sa tabi ko nang magising ako kinabukasan.

Gising na rin ito at nakaupo habang nakasandal sa headboard.

He's smiling while typing on his phone.

"Grid." Papikit pikit na tawag ko sa kaniya dahil nasisilaw pa ako sa liwanag.

Mabilis na ibinaba nito ang cellphone na parang ayaw nitong ipakita bago kinakabahang ngumiti sakin.

"Yes baby? Are you already hungry? Should I make breakfast?"

Why kailangan niya pa sabihin sakin? Dati, agad ng nakapagluto siya ng breakfast bago palang ako gumising.

"Hindi pa po. Mamaya na po, ako na po magluluto." Nakangiti kong sagot dito.

Ngumiti lamang ito sakin. "Sige." Nilagay nito ang cellphone sa bedside table. "Maliligo muna ako baby, by the way baby, I'll be gone for 3 days. May pupuntahan kami ni Josh, mga 3 days kami don."

Tumayo ito at dumiretso na sa banyo.

Humikab ako at nag-unat unat bago umupo.

Rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.

Kinuha ko yung cellphone ni Grid para tingnan ang oras.

7:37 na. Ilalapag ko sana ulit ito nang biglang tumunog ito.

Nagmessage si Mama, mommy ni Grid.

Bubuksan ko sana ito nang kumunot ang noo ko nang kailangan pa ng password.

Nilagyan na ni Grid ng password?

"Grid?!" Malakas na boses kong tawag.

"Yes?!" Sagot nito mula sa banyo.

"Nagmessage po si Mama. Ano po password mo rereplyan ko po."

"Ahm... It's okay Jien, ako na bahala magreply sa kaniya mamaya." Nag-aalinlangan nitong sabi.

"Okay po." Ilalapag ko sana ulit ito nang tumunog muli ito.

"Jien, ikaw ba ang gising dyan, tulog pa ba si Grid?" Message ni Mama

"Grid, nagtatanong si Mama! Ako po ang tinatanong niya kung tulog ka pa ba daw."

"O-okay, replyanan mo na, tell her I'm in the bathroom."

"Ano po password?!"

"Ahm... Shan331. I-ipapangalan ko sana Shanley sa susunod na magiging anak natin."

"Okay po." Agad na inunlock ko ang password niya.

"Jien, just tell her I'm in the bathroom then put that cellphone back."

"Okay po."

"Wala kang papakelaman na iba dyan. Patayin mo agad pagtapos mo mareplyan."

Hindi na ako sumagot at nireplyan na lang si Mama.

Nang matapos ay pinindot ko ang back. Napatitig ako nang mabasa ang pumapangalawa sa pangalan ni Mama.

"Shanaiah?" Mahina kong basa

"I love you too babe." Huling message nong Shanaiah.

Bubuksan ko sana ito nang magmessage si Kuya Josh.

"Grid, pinapabisita kayo ngayon dito ni Misis at ng triplets."

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Sabi ni Grid, may pupuntahan sila ni Kuya Josh ng tatlong araw.

Nagreply agad ako. "Hindi na po kayo tuloy ni Grid sa pupuntahan niyo po, Kuya Josh?"

"Anong pupuntahan Jien? Saan kami pupunta?" Tanong nito na mas lalong ikinataka ko.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now