Chapter 12

5.6K 268 63
                                    

Third Person

Napatigil sa pagpirma ng mga papeles si Grid nang magring ang cellphone niya.

"Grid!" Nailayo niya ang cellphone mula sa tainga niya nang sumigaw ang kaibigan niyang lalaki mula sa kabilang linya

"Yes, Shin?"

"Birthday ko! Bakit ba lagi mong kinakalimutan?! Pagabi na, hindi mo pa ako ginigreet pre!"

"Oh sorry, I was just busy."

"Busy ka dyan! Walang busy busy sa birthday ko pre! Punta ka mamaya sa bahay ko, iinom tayo at bawal tumanggi, nandon rin sila Phone." Tukoy ng kaibigan ni Grid sa mga iba pang kaibigan nila. "At alam mo na HAHAHAHA nagdala ng mga babae si Gino. Masaya to kaya pumunta ka ha!" Dagdag nito.

"I'll think about it." Sagot ni Grid.

"There's no need to think about  basta pumunta ka. Hindi na nga makapunta yung iba kasi may mga asawa na. Anim na nga lang tayong natitirang single aayaw ka pa, punta ka ha, Fo na pag hindi." Sagot ni Shin.

"Okay okay, tanginamo." Natatawang sagot ni Grid.

"Tanginamo rin. Basta pumunta ka bye."

Ibinaba ni Grid ang cellphone at inayos ang mga papel sa lamesa bago niya kinuha ang suit niya.

He was about to pick up his pen when he accidentally looked at Jien's picture frame.

Yes, he took a picture of Jien and put it in frame.

Instead of picking up his pen first, he picked up Jien's picture.

He smiled and kissed Jien's picture before putting it back.

Kinuha niya ang panulat niya bago siya tuluyan ng lumabas.

"Ayo, Grid, himala't buhay ka pa." Tumatawang bati sa kaniya ni Phone at sinuntok ang balikat niya.

Inapakan niya naman ito sa paa. "Maraming iiyak pag namatay ako. Mamimiss nila kagwapuhan ko." Sagot niya dito bago siya umupo sa sofa.

"Kapal ng apog mo tanginaka. Late ka na nga, ang hangin mo pa." Sabat naman ni Gino na may kalong kalong na babae.

Kunwaring kumunot ang noo ni Grid, He looked at Mark wondering, "Shit man! Did you hear that?"

Kumunot ang noo ni Mark. "What?"

"I heard someone saying I'm gwapo." I answered.

"Gago hindi gwapo." Si Gino.

Kunwaring nagulat si Grid. "See? See Mark? Now you heard that? He was really calling me gwapo."

Napangisi si Grid nang batuhin siya ng isang piraso ng mani ni Gino.

May lalapit sana kay Grid na babae nang itaas niya ang kamay. Pinipigilan ang babae.

Napatingin siya kay Shin na papalapit sakanila dala ang pulutan.

Kinuha niya mula sa tray na hawak ni Shin ang isang alak.

"Regalo mo?" Tanong ni Shin sa kaniya.

"Hindi pa ba sapat ang kagwapuhan ko bilang regalo?" Balik tanong ni Grid dito.

"Lumayas ka na at wag ka na babalik tanginamo." Ingos ni Shin at umupo sa sofa bago kinandong ang babaeng  nasa gilid niya.

Grid rolled his eyes when he saw Gino kissing the girl on his lap and caressing the thigh of the other girl beside him.

Napailing na lang siya nang makita naman si Alvin na may hinahalikan na babae. Mayor pa naman tong hayop na to.

Ilang oras lang ay nagtatawanan na silang magkaibigan, nagkukuwentuhan habang umiinom.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now