Chapter 2: Play

27.4K 839 459
                                    

A/N: Magandang Umaga! 

---

Channary

"Okay ka lang?" Bungad ni Simone ng umupo ako sa tabi niya dito sa cafeteria.

"Yup. More than okay." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti na ikinabuntong hininga niya.

"Your coffee, Chan." I mumbled a low thanks to Clea after accepting the coffee she's giving me.

"You wanna talk about it or nah?" Isang iling ang sinagot ko kay Simone. Ayaw ko na muna isipin. First day of school tapos masstress ako? Wag nalang.

"I'm fine. Nagulat lang ako makita siya ulit after... three years." Sam, she's my ex, my first love and my greatest heartbreak.

"Sabi ko naman sayo ako nalang, Channy." Binigyan ko ng isang irap si Clea dahil nagsisimula na naman siya sa pagrereto ng sarili niya sakin.

"Hindi ako matino, oo, pero hindi ako tumatanggap ng rebound." Kung magugustuhan nga lang ng puso ko si Clea, bakit hindi diba? Ang kaso hindi mo naman matuturuan ang sarili mo kung sino ang gugustuhin mo.

"Pero papalit palit ka ng babae everyday and every night." Nakasimangot na saad niya.

"Hindi ako ang unang lumalapit. Sila. Gusto nila yon, Clea." Totoo naman. Tsaka never akong namilit ng babae ah. Consent is a must.

"Eh bakit ako? Ako na nga lumalapit sayo pero ayaw mo pa din? Unfair ka ah!" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Simone sa tabi ko. Alam niya kasing hindi na naman titigil si Clea sa pag rereto ng sarili niya sakin. Bakit niya ba ako gusto? Kung ako nga ang ibang tao, hindi ko magugustuhan ang sarili ko.

"Kasi kaibigan kita. Ayokong ako pa ang sumira sayo pag dating ng panahon, Clea. You deserve someone who can give you the world. Sadly, I can't see myself being that someone for you." I gave Clea a small smile before lightly tapping her shoulder.

Palagi ko siyang nirereject dahil alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang paasahin at gamitin. Not my friend. Gago ako pero hindi ko kaya saktan ang mga taong malapit sakin.

"Hala siya oh! Ang lalim non, Chan!" Sabay kaming napalingon ni Clea kay Simone na bahagya pang pumapalakpak at kala mo ay namamangha talaga.

"Ang seryoso na ng atmosphere eh! Panira ka Simone!" Angil ko pero ang totoo ay nagpapasalamat ako sa pambabasag niya dahil namumuo na kanina ang luha sa mga mata ni Clea. I know Simone saw it too.

"Ang panget mo talaga Simoaning!" Nakasimangot na saad ni Clea na ikinatawa lang namin ni Simone.

"Tara na nga. Malelate tayo sa next class natin mga baliw!" Ako na ang unang tumayo dala dala ang kape ko. Sayang to 'no, libre pa man din.

"Ako baliw sayo!" Hindi ko nalang pinansin ang side comment ni Clea at nauna na maglakad palabas ng cafeteria.

~

"Ayoko na! Bakit ba Prof na naman natin si Miss Col?" Tila pagod na pagod na turan ni Simone pagkalabas namin ng panghuling klase namin ngayong araw.

Prof na naman kasi namin yung masungit at magandang si Miss Collins pero Miss Col ang tawag ni Simone kaya napagaya na din kami.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now