Chapter 21: Confrontation

13.4K 636 313
                                    

A/N: Good morning!

P.S. Again, comparing my story and characters to other stories and characters is a big no. Respeto sa mga writer. Mute nalang tayo mga prii.

---

Channary

"Makakalaya na ang paa ko!" Nangingiting sambit ko matapos umupo sa passenger seat ng kotse ko.

Sa back seat naman naupo si Ciana dahil panget siya. Ganun talaga yon may hierarchy din pag sasakay sa car.

"Alis na po tayo, Ma'am?" Tanong ni Kuya Cardo, driver and body guard ni Ciana.

Mahaba buhay niyan ni Kuya Cardo, ilang beses na yan natamaan ng bala pero buhay pa din at lumalaban parang Nescafe.

"Yes, Kuya." Nakangiting sagot ko at agad niya ding bunuhay ang makina ng sasakyan.

Monday ngayon at sinundo nila ako sa condo ko para pumunta ng hospital. Iniwan nila dito sa parking yung kotseng gamit nila at kotse ko ang gagamitin namin. Trip lang ganun. Tatanggalin na ang sagabal sa binti ko.

Nasa school na din si Sam at miss ko na agad siya. After noong confession ko sa office niya, wala na humimlay na ako malala dahil ang sweet sweet namin. Hehe, mamamatay na ako sa overdose dahil nasosobrahan na ata sa serotine production ang katawan ko.

Dahil sa pagkakaalala kay Sam ay kinuha ko ang cellphone ko para i-text ang aking mahal. Ay gagi! Ang rupok rupok!

To: Love💕
Love, otw na kami sa Hospital.

I gazed at my watch and internally nods because Sam 's probably teaching right now.

"Ate, after pala natin sa hospital sa bahay ka daw dumiretso muna sabi ni Daddy." Napatingin naman ako kay Ciana mula sa rear-view mirror at naka tingin siya sa cellphone niya.

"Why?" Tanong ko.

"Baka miss ka na ni Daddy." Natatawang sambit niya bago magtaas ng paningin upang salubungin ang tingin ko.

Miss, my ass.

"Kumpleto pa ang mga minions doon?" Tanong ko ulit. Alam niya kung sino ang tinutukoy ko dahil kahit siya ay naiinis sa ibang bibe ni Daddy.

Sa aming magkakapatid, si Ciana ang pinaka close ko. Kahit naman mahadera ang nanay niyan at sinusungitan ko siya minsan, siya lang ang hindi nagsawang lumapit sa akin para magpapansin. Pinansin ko na kasi kawawa naman ang bata.

"Kumpleto sila. Kelan ba nagkulang ang mga yon?" Naka taas ang isang kilay na saad niya.

"Kulang sa kabaitan, kagandahan, at manners pero sumobra sa pagka sakim." Natatawang saad ko na ikinatawa niya na din.

Okay lang naman kay Kuya Cardo ang pinagsasabi namin dahil close kami niyan. Nagtatrabaho na yan kay Daddy kahit noong buhay pa si Mommy.

"Ang sama mo ate Chan!" Saad niya pero tawa naman ng tawa. Shunga din.

"Okay lang, sa kanila lang naman." Prenteng saad ko na ikinailing nalang niya.

Matapos noon ay nanahimik na kami sa sasakyan hanggang makatarating sa patutunguhan.

~

"It's good to be free!" Ngiting ngiting sambit ko habang naglalakad kami palabas ng hospital. Tapos na tanggalin ang balakid sa paglalakad ko at medyo nakakapanibago.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now