Chapter 22: Letters

12.1K 606 123
                                    

A/N: Good morning.

P.S. Alam niyo na ang rule.

---

Channary

My heart is breaking, it feels like my world is crumbling down beneath me. Kasabay nang pagbagsak ng luha sa mata ko matapos ang sinabi ni Daddy ay ang pagdagundong ng malakas na kulog at kidlat mula sa labas.

Kasabay ang malakas na buhos ng ulan. Parang nakikisimpatya ang langit sa sakit na nararamdaman ko sa oras na ito.

Pakiramdam ko pinaglaruan kami ng tadhana.

Ang katotohanang pinahirapan si Salirah sa panahong wala akong kaalam alam sa nangyayari sa kanya ay hindi kayang iproseso ng utak ko ngayon.

"T-tinago namin siya habang pinapagamot, Chan. I wanted to tell you, anak. Pero hiniling na din ng parents niya na itago muna siya. They... they asked me to protect her instead of blaming our family." Tuluyan na ding tumulo ang luha sa mata ni Daddy.

"B-bakit hindi niyo.... sinabi? I'd rather be with her and help her.... get over everything than being an oblivious fool while she was suffering, Daddy. A-ako ang dahilan bakit... bakit... bakit siya kinuha, Dad. Si S-sam yun eh... bakit?! Bakit naman, Dad?!" Para akong kandila na unti unting nauubos habang ang ang mga sinasabi ni Daddy ang mitsa na tumutupok sa katinuan ko sa mga sandaling ito.

Napasaklot na ako sa dibdib ko habang nakatungo at patuloy na tumutulo ang luha habang impit na dumadaing.

Hindi ko alam, wala akong kaalam alam. Tapos bumalik si Sam na parang walang nangyari sa kanya? Palagi padin siyang tumatawa at ngumingiti sa tuwing kaharap niya ako. Kahit na pinagtatabuyan ko siya noon, bumabalik balik pa din siya at hindi nawawala ang ngiti ang mukha.

Mas lalo lang nakadagdag sa sakit na nadarama ko ngayon ang pag alaala sa nakangiti niyang mukha.

"P-pasensya na anak. Ginawa ko lang ang alam kong makakabuti sa inyo." Naramdaman ko nag paglapit ni Daddy at ang paghaplos niya sa ulo ko.

"H-hindi eh. Hindi... yun nakabuti sa akin, Dad. Ang sakit dito.." luhaang tumunghay ako sa tatay ko habang nakaturo sa parte kung nasan ang puso ko.

"S-si Sam.. siya lang yung kakampi ko noon, Daddy. Tapos.. tapos.. fucks!" Hindi ko na matapos ang dapat kong sasabihin dahil napapahagulhol nalang ako.

I need to see, Sam. I need to talk to her. Sa kanya ko gustong malaman lahat. Fuck!

Kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo. I wiped the tears on my cheeks and blew out a long deep sigh.

"T-thanks for.. telling me. I need to go. I'll ask, Sam." Pigil luhang bulong ko kay Daddy at walang lingon lingon na lumabas ng study niya.

Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero nagmamadali na ako sa pagbaba ng hagdan. Nakita ko pa ang pagsilip ni Ciana mula pinto ng kwarto niya habang hawak ang cellphone at ang mga kabit ni Daddy pero hindi ko na sila pinansin.

All I want right now is to see Sam.

"Miss Chan, umuulan po." Rinig ko ang pag sigaw ng isang kasambahay nang buksan ko ang pinto ng bahay pero wala na akong pakialam.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now