Chapter 38: Revelations

11.1K 471 201
                                    

A/N: May mga signs po, kung hindi niyo napansin. Hindi ko din napansin. Patapos na buhay nila, k.bye.

---

Channary

"Chendra," Gulat ang paniguradong nangingibabaw sa aming tatlo nina Simone matapos magpakilala ni Ate Chendra bilang si C at bilang..... kapatid ko?

"W-what do you mean? Kapatid ka ni Chan?" Kunot noong tanong ni Simone. Nagsasalita pa pala siya, akala ko napipe na eh.

"Anong ginagawa mo dito? Pinadala ka ba ng mga Marquez para tapusin kami?!" Hindi mapigilang tanong ko. Natatakot ako, kung si Clea ay si X maaaring mas mataas si Ate Chendra sa kanya.

Pero sa halip na sumagot ay tinaas niya lang ang middle finger niya sa akin.

Prank ba 'to? Kung oo papatayin ko ang pasimuno. Paanonko magiging kapatid yan eh kapatid yan ni Chendra.

"Yes, I'm a Lopez. The first born. And no, I'm not a Marquez's minion. Look, I'm an EXE member. " Kibit balikat na saad niya at parang reyna na naupo sa silya malapit sa akin matapos ipakita ang tattoo sa likod siya, katulad ng tattoo ng lahat ng EXE members.

Nakataas pa ang kilay niya habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming tatlo.

"H-how?" Maging si Sam ay halatang litong lito na sa nangyayari. Sinong hindi? Bigla bigla nalang siya susulpot para sabihin na kapatid ko siya.

Ang sakit na nga sa ulo na tanggapin na si Clea ay si X tapos dadagdag pa itong yawang Chendra na ito.

"Duh, malamang nakipag sex si Daddy kay Mommy kaya nabuo ako. Common sense, Channary." Pairap na sambit niya.

I mentally faced palmed dahil sa isinagot niya at anytime ay pwede ko siyang ibigti. Pilosopo.

"Abnoy ka ba?" Naiiritang tanong ko. Pero sa halip na mainis ay tinaasan niya ako ng kilay at tinitigan na para bang pinapahiwatig na kapag nagsalita pa ako, tutumba ako.

"Tell us what you know, Chendra." Mabuti nalang at sumingit na si Sam sa usapan dahil malapit ko na talagang bigwasan itong si Ate Chendra.

"Alright," Tila bored pa na sagot nito habang tinataas ang dalawang kamay na animo sumusuko. Boang amp.

"Makinig kayong mabuti dahil hindi ko na uulitin ito." Sabay sabay na tumangi kami nina Simone.

"Daddy Chandro and Mommy were childhood sweethearts." Panimula niya. Tahimik na nakikinig lamang kaming tatlo.

"While Papa, Clio Marquez, is the man na nakaplanong ipakasal kay Mommy. Arranged marriage. Pero kaya sila napagkasundo ay dahil sa kahilingan ni Papa. He likes Mommy simula noong high school palang sila. " Love triangle? Nasaan si Mommy ko? Bakit hindi ko ito alam. Ang alam ko bestfriend ni Daddy si Tito Clio, kaya nga inaanak niya pa si Clea.

"Daddy and Mommy tried to runaway a week before the wedding, pero pinahanap sila nina Lola kaya naibalik si Mommy sa puder nila not knowing na buhay na ako sa sinapupunan niya. Kahit na nasa militar na si Daddy noon, wala pa din siyang magagawa kina Lola. They are too powerful." Okay? So isang ligaw na sperm si Ate Chendra.

Pero medyo masakit ang sinasabi niya. Ano yung kinukwento nila Daddy sa akin tungkol sa love story nila ni Mommy? Fake lang ba yun? Gawa gawa lang nila para pasayahin ang musmos kong isip noon? Bakit?

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now